Chapter 03

270 62 37
                                    

I'm sorry for the curses, gigil na gigil po si Yumi

Chapter 03

Ang aga ko atang nakarating sa school at kokonti palang ang nandito sa room. I'm bored kaya napagdesisyonan ko nalang na magbasa ng libro habang nakikinig ng music.

I'm somewhat fascinated with the book I'm reading. The plot is somewhat cliché but that's what made it fascinating to read. Kahit alam mo na ang takbo ng istorya ay patuloy mo pa rin itong binabasa.

It's about a girl falling for the guy who likes her bestfriend. Para siyang tanga na habol nang habol sa lalaking di naman siya gusto, she's so persistent to the point na nagiging masokista na sya. The guy is not even that worth it.

Naputol lang ang pagbabasa ko nang dumating ang aming prof.

Kay bilis ng oras di ko man lang natapos ang isang chapter at di rin napansin ang pumapasok kong kaklase, kung sabagay wala naman talaga akong pake sa paligid ko. Once I read a book I'm inside a world wherein I imagine what I read. I don't know if it's weird but I don't care.

Nagsimula na ang klase at wala man lang akong naintindihan sa sinasabi ng prof dahil di naman pumapasok sa isip ko ang kanyang sinasabi.

Nakahalumbaba akong tumitig sa blackboard na para bang pag tinitigan ko ito ng maayos magkukusa silang pumasok sa isipan ko, pero wala padin. Bigla kong naisip ang nabasa ko sa libro.

Why do people hurt themselves for the sake of other people? I mean, it doesn't even make sense—hurting yourself for others and them not even appreciating it.

I've been alone my whole life, everyone definitely leave me. It doesn't even surprise me, sanay naman ako. People come and go and it's their decision to stay. Nakakapagod maghabol nang mga taong walang intensyon na manatili sa buhay mo.

I'm not the type of person na gusto mong jowain, I can't handle conversations very well, in short, I don't want anyone talking to me. I don't really have friends, obviously.

Libro lang ata naging buhay ko. I'm a avid fan of books, para akong nerd sa mga stories ang kaibahan lang ay wala akong malalaking glasses sa mata at naglalakihang pimples, clear skin naman ako sa tingin ko.

The story really lingered in my mind. Like what the protagonist of the story said, she wants to sacrifice her life just for the guy she loves. Loving a person is really scary, it's making you do something insane, sino namang baliw ang isasakripisyo ang kanyang sarili para lang sa kanyang mahal.

I just think that it is so dumb to be selfless in the name of love.

"Mr. Montenegro, your late." sabi ng prof na kumuha sa atensyon ko.

I haven't heard na may classmate kaming Montenegro ang apelyido, kaya iniangat ko ang aking ulo at tiningnan kung sino.

Oh my god.

Di ko maiwasang mapanganga at manlaki ang mga mata nang makilala kung sino ang lalaking ito.

Magkaclassmates kami?! Agad kong tinakpan ng libro ang aking mukha. Damn! Bakit sya pa?! I need to hide myself, dapat di nya ko makita! Bakit sa dinami-dami ng pwedeng section bakit magkaclassmates pa kami? Kung sino pa yung kinamumuhian ko!

"This is the last time I will tolerate your tardiness Mr. Montenegro. Umupo ka na sa bakanteng upuan." diin na sabi nung prof.

No sir! Dapat pinapunta nyo nayan sa DO (Discipline Office)! Napapikit nalang ako saking mata sa inis, nasa likod ko pa ang bakanteng upuan!

"I'm so sorry sir. Di na po mauulit." narinig kong sabi niya.

I crouched hiding through my book. I heard his footsteps getting closer at napalunok ako nang tumigil ang pares nang sapatos sa harapan ko.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon