Chapter 17
"Xionus, una na ako," saad ko sabay nagmamadaling lumabas ng condo. Rinig ko pa ang hindi pagsang-ayon niya pero wala na siyang magagawa kasi nakalabas na ako.
Napabuntong hininga nalang ako at nakayukong naglalakad sa hallway papuntang elevator.
"Yumi." Agad akong napatayo ng tuwid ng marinig ang isang pamilyar na boses.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Oo nga pala dito din sya nakatira sa floor na ito.
Gusto kong umiyak at ipokpok ang ulo ko sa pader, bakit ko ba nakalimutan yun? I can feel the awkwardness with the way I smile. I can't even look at him straight to his eyes. Alam ko namang di siya manhid at alam niya ito.
"Ah, una na ako, wala pa akong assignment, mangongopya pa ako kay Zel," mabilis kong sabi sabay takbo sa elevator buti nalang at bukas na ito.
"Yumi, wag mo naman akong iwasan... " He muttered something pero di ko na marinig nang unti-unti nang nagsirado ang pinto ng elevator.
Napahawak ako sa dibdib ko at napabuga nalang ng hangin at doon ko lang napagtanto na pinipigilan ko na pala ang hininga ko. Ayaw kong iwasan siya pero hindi ako mapakali pag nandiyan siya, anong gagawin ko? I know that I should reject him properly but I need to get myself ready, emotionally.
I don't know how to do it. I don't know how to respond. Should I even respond? I felt awry.
Sa wakas nakarating na rin ako sa school. Agad na hinanap ng mata ko si Zel.
"Zel!" tawag ko sa kanya nang makita siyang nagmamadaling naglalakad sa hallway.
"Sorry, Yums. Nagmamadali ako," sabi niya sabay alis agad. Nagtataka akong nakatanga sa likuran niya, what happened?
No choice ako kundi ang pumunta sa room ko, ayaw kong maglakad-lakad sa school baka magkita kami ni Khael at maging awkward na naman.
"Hey." Di ko pinansin ang bati ni Xionus at agad nalang umupo sa upuan ko.
I know he was wondering why I was acting like this. Wala ako sa mood makipag usap sa kanya kaya mas mabuting itikom ko muna ang bibig ko kasi baka masigawan ko lang siya.
The class had started and ended. Lutang na naman ako the whole day hanggang sa makauwi kami. Pagdating ko sa condo agad akong pumunta sa kwarto ko pero napahinto nalang ako nang higitin ako ni Xionus at pinaharap sa kanya.
"What's your problem?" he asked.
I looked up to his eyes, he was looking at me seriously as if he was concerned. I doubt that baka namamalikmata lang ako. Never siyang magiging concern sa tulad kong maid niya lang.
"Why do you even care?" cold kong sabi sabay waksi sa kamay niyang nasa balikat ko.
"I do care." Napatigil ako sa tugon niya.
"I should care because you're my maid. If anything's wrong with you then it would be my expense." sabi niya sabay talikod.
Yeah, right. Maid lang naman niya ako. Napabuntong hininga nalang ako.
"Then, you shouldn't. Maid mo lang naman ako." Tinalikuran ko na siya. "Don't meddle with my personal life."
Agad akong pumunta sa room ko at nilock yun dun nako napabuga ng hangin. Agad akong napasalampak sa higaan ko. I felt so tired despite not doing anything extreme the whole day.
My phone kept on ringing but I kept on ignoring it until I fell asleep.
***
"Yumi," sabi niya sabay kuha ng kanan kong kamay. Napataas naman ang dalawa kong kilay.
BINABASA MO ANG
Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)
ActionBook 1 Yumi an ordinary girl but as she encounters Xionus on an unpredictable accident her life drastically changes. Life is always a mess and you are a warrior of your own life. The real problem is how would she solve this mess life has given to he...