Chapter 01

576 94 38
                                    

Chapter 01

"Yumi!" rinig kong sigaw sabay katok sa pinto ko, kulang nalang ay lumipad na ang pinto dahil sa malakas nitong pagkatok. I refused to get up, tinabunan ko ng kumot ang aking mukha.

"Yumi gumising ka na dyan kundi paliliguan talaga kita ng mainit na tubig!" napabalikwas naman ako ng upo nang marinig ito, kinukusot ko ang aking mga mata.

"Gising napo!" sigaw ko pabalik habang kinakamot ang ulo ko at pagkatapos ay inayos ko ang magulo kong buhok. 

Agad akong bumangon, naligo at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na ako.

"Oh narito napo ang senyorita! Ako pa ang nagsaing at nagluto tas ngayon ako pa ang gigising!? Ginawa mo na talaga akong alarm clock iha!" sermon niya. I secretly rolled my eyes. Mukha ka din naman kasing manok.

Araw-araw palagi nalang ganyan ang bungad, sanay na sanay na ako sa bunganga nya. Pasok sa kanang tenga tas labas sa kaliwa, ganyan lang naman yan, wag dibdibin kasi masasaktan ka lang.

Alam ko naman na ayaw talaga sakin ng step-tita ko, tito ko lang naman ang nag insist na dito ako tumira. Mabait ang tito ko, di gaya ng tita ko na di maabot ang sungay, di ko nga alam kung paano niya pinikot si tito eh.

They adopted me out of pity, nawala na ang nanay ko at di naman mahagilap ang tatay ko, so I don't have a choice but to listen to her rants everyday.

"Bagay naman sa bunganga mo ang trabahong alarm clock." Nanununuya kong bulong.

"Ano yun!?" tanong nya. Agad akong naglakad patungo sa lamesa at kumuha ng egg sandwich.

"Wala." Sabi ko nalang tsaka agad na naglakad papalabas.

"Batang walang modo! Sigurado akong wala kang magandang kinabukasan! Sampid ka lang sa pamamahay na to! Matuto ka namang tumulong dito, di yung palagi ka nalang sa kwarto namamalagi!"

Gusto ko naman talagang tumulong pero kada tutulong ako palagi kayong may sinasabi, nakakarindi na. Kaya bahala na't ganyan ang tingin niya sa akin, wala na akong pake. Sa mata niya isa lang akong bata na sobrang tamad at walang maabot sa kinabukasan.

I take a breath when I got outside the house. Finally, I'm out in hell.

7:30 am, pagcheck ko sa relo ko.

May thirty minutes pa ako para makapunta sa school. Five minutes na akong nag hihintay ng masasakyan pero wala pa din, kaya napag-isipan ko nalang na maglakad papuntang school, twenty minutes walk away lang naman ang school at ang bahay kaya makakahabol pako.

Nilabas ko ang cellphone at earphones ko para makinig ng music.

Naisipan ko ding bisitahin ang Messenger ko at tama nga ang hinala ko na inaamag na ito, gc lang naman ng section namin ang nagpapa-ingay at di naman ako lumalapag dun.

I don't have any friends, maliban kay Zel. She's a dear friend of mine. Siya lang ata ang matatawag kong kaibigan at kung hindi man kami magkaibigan, susunugin ko ang bahay nila sa dami nang kanyang nalalaman.

Nagscroll nalang ako sa Facebook pero puro lang naman shared posts at memes ng classmates ko ang naroon, pero nagscroll parin ako dahil wala na akong ibang naisip na libangan.

Nagulat nalang ako nang may biglang humablot sa cellphone ko, at dahil connected ang earphones at cellphone ko parang nadala ang tenga ko sa paghablot ng magnanakaw.

"Aray!" reklamo ko dahil sa sakit. Nagtinginan ang tao sakin dahil sa ginawa kong pagsigaw pero ang mas nakakaagaw talaga saking atensyon ay ang magnanakaw na kay bilis kung makatakbo.

"Takbo ka nang maigi at wag kang magpapahabol sakin dahil pag nahabol kita, patay ka." bulong ko habang hinahabol ang magnanakaw.

Agad nagsihawian ang tao dahil sa nangyari takbuhan, muntik ko na syang maabutan pero bigla siyang tumawid sa kalsada. Di alintana ang mga sasakyan, agad din akong tumawid, muntik pa akong masagasaan ng isa sa mga sasakyan.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon