Chapter 42
"Xionus!" tawag ko pero di man lang siya lumilingon.
Palayo ng palayo, palaki nang palaki ang agwat naming sa isa't isa. I tried to reach my hand out to him pero wala itong silbi dahil di ko siya maabot.
"X-Xionus." Mahina kong tawag pero animo'y di niya ako naririnig.
Hanggang sa huling pagkakataon hindi man lang sya lumingon. Nilamon na siya ng liwanag at nagsimula nang magtuluan ang mga luha ko.
Kadiliman ang sumakop sa paligid nang tuluyan siyang maglaho. Nagpalingon-lingon sa paligid upang malaman kung nasaan ako, ngunit wala akong nakikita kung di ang kadiliman lamang. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko, mga hikbi kong rinig na rinig sa lahat ng sulok.
Di kalaunan ay may narinig akong naglalakad. Isang pares ng paa ang tumigil sa harapan ko. Agad kong iniangat ang aking ulo upang makilala kong sino ito. Muling nangilid ang luha nang mapagtanto na ang taong nasa harap ko ay ang pinakamagandang babae na nakilala ko.
She caressed my face using her soft hands, tumulo ang luha ko papunta sa mga kamay niya. Nakabestida siyang kulay puti, ang putla at parang nagliliwanag ang kanyang balat.
I hugged her. I longed for this. I know this is just a dream but let me cherish the moment with her, with my mom.
Ngumiti siya ng napakatamis. Miss na miss ko na din ang mga ngiti niyang ito. Nag antay ako na magsalita siya pero nanatili siyang tahimik na nakatingin sakin.
Para akong naging pepe dahil di din ako makapagsalita, tipong may isang napakalaking bagay ang nakaharang sa lalamunan ko na kahit pilitin kong magsalita walang lalabas na boses ko.
It's like silence is our communication.
Ilang minutong nasa ganun ang posisyon naming dalawa. Bumuka ang kanyang bibig pero di ko marinig ang sinasabi niya sa di maipaliwanag na dahilan.
Bigla nalang tumulo ang isang luha sa kanan kong mata, nagtataka ko naman itong pinahid. And after that darkness ate me.
.
"Yumi?" habol ko ang hininga ko at nakita ko nalang sarili kong nakaupo na sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko, napakabilis ng tibok ng puso ko, tipong nakikipagkarerahan sa sampung kabayo.
"Are you okay? Why are you crying!?" agad namang umupo sa tabi ko si Xionus. Napahawak naman ako sa pisngi ko at ang basa nga nito. Di pa rin tumitigil sa pagbuhos ang mga luha ko, di ko nga alam kung bakit umiiyak ako.
These past few days, palagi nalang akong umiiyak.
Ginulo ko ang buhok ko. I definitely have a dream but I can't remember what it is. Ano bang nangyayari sakin?
"Here." He handed me a glass of water. Agad ko namang kinuha to at ininom na parang isang linggo akong di nakainom ng tubig. Kahit papaano ay kumalma din naman ang tibok ng puso ko.
My eyes widened in shock when he suddenly hugged me. Nasa gitna ako ng pag iisip kung yayakapin ko ba siya pabalik o hindi nang bigla siyang magsalita.
"Don't make me worry like that." My nerves calmed down with his voice pero naalala ko na dapat galit ako sa kanya kaya bahagya ko siyang tinulak.
Tiningnan niya lang ako pero umiwas lang din ako ng tingin.
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Are you jealous because of Violette?" Di ako tumugon sa tanong niya.
"Hindi—" I was caught off guard when I turn to him and accidentally we kissed. Agad na namula ang mukha ko, I tried to cover it using my hair.
He just smirked at me at sinapak ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)
حركة (أكشن)Book 1 Yumi an ordinary girl but as she encounters Xionus on an unpredictable accident her life drastically changes. Life is always a mess and you are a warrior of your own life. The real problem is how would she solve this mess life has given to he...