Chapter 12
I look at the sky. It seems gloomy kaya nagmadali akong pumunta sa bahay. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang mga gamit ko sa labas ng bahay.
"Ano pong nangyari bakit nasa labas yung mga gamit ko?" tanong ko kay tita nang makita siya sa labas na nakahawak sa may bewang niya.
"Oh, nandito ka na pala. Kunin mo na tong mga gamit mo kung ayaw mong sunugin ko ito!" tita shouted. Tumulong na din siya sa pagkuha ng gamit ko habang si tito ay nakatayo lang.
"T-Tita, t-tito, what happened? Bakit nasa labas ang g-gamit ko?" nauutal kong tanong.
"You really disappointed me, Yumi. For all the years na nanatili ka sa puder namin, why now? Pinalaki naman kita ng maayos,. Saan ako—kami nagkulang?"
"W-what are you talking about t-tito?" Ginawa ko ang lahat para pigilan ang pagtulo ng luha ko at panginginig ng boses ko.
Wala naman akong ginawang mali!—gustong-gusto ko itong isigaw.
"Oh, Yumi! Ako na ang naghanda ng gamit mo sa labas, you should be thankful! May pambayad ka naman siguro para sa hotel dahil sa kinuha mong pera sa amin!" she said with a hint of scorn
Pera!?
"W-what money?" nagtataka kong tanong.
"You stole money from us! Wag kang magmaang-maangan! Ang galing mong umacting! Dapat nag artista ka nalang!" She scowled.
"I didn't steal any money! I'm innocent!" Agad akong lumapit kay tito.
"Tito please, believe me, I never lie in my entire life," I begged him on my knees.
"You're face is so innocent and that deceived us. You're an angel in disguise! Behind your innocent face there's a devil! Ganito ka ba magpasalamat sa taong kumupkop sayo sa mahabang panahon, ang magnakaw!? How dare you, ungrateful brat!" Sinampal niya ang pisngi ko.
A tear fell. It's not because I'm sad, it's because I feel betrayed. Tanang buhay ko wala akong ginawa kundi ang sundin ang lahat ng utos nila, mag-aral ng mabuti para di masayang ang binayad nilang tuition, ang tiisin ang araw-araw na sermon ni tita.
Parang bigla nalang naglaho ang lahat ng enerhiya sa katawan ko. Napasalampak nalang ako sa lupa at napahawak sa pisngi ko. Sigurado akong namumula na ito ngayon. I tried my best to stop my tears.
My eyes are hazy but I desperately met their stare. Lumuhod ako sa harapan nila.
"I-I didn't do such thing. B-Baka nagkakamali lang kayo ng p-paratang-" Natumba ako nang bigla akong pinatid ni tita.
A sob came out of my mouth.
"So ako ang pinagbibintangan mong sinungaling!? Aba ang kapal naman nang mukha mong babae ka!" she then throw my things on my face. I used my arms as a shield, napaiglas nalang ako nang masugatan ako.
Tita glared at me at akmang lalapit na naman siya sa akin but this time tito stopped her.
Tuloy-tuloy na tumulo nang tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang pagsaradohan nila ako ng pinto.
Wala akong ibang magawa kundi ligpitin ang mga gamit ko na ngayon ay nakakalat sa daan. Ngayon ko lang napansin ang mga kapitbahay na nakikichismis sa amin. I didn't even glance at them at patuloy na binitbit ang aking mga bagahe hanggang sa labas ng subdivision namin.
Napaupo nalang ako sa gilid ng daan, saan na ako pupulutin ngayon? I cannot go to Zel's house, di pa kami okay at di naman makapal ang mukha ko para guluhin ang nananahimik nilang tahanan. Khael is out of the choices, ayokong magkaisyu kami.
BINABASA MO ANG
Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)
БоевикBook 1 Yumi an ordinary girl but as she encounters Xionus on an unpredictable accident her life drastically changes. Life is always a mess and you are a warrior of your own life. The real problem is how would she solve this mess life has given to he...