Chapter 30

102 22 7
                                    

Chapter 30

Ilang araw na ang lumipas. Nung una, okay lang naman kami ni Xionus. Naglalambingan, sabay maglunch, minsan pinipilit ko pa siyang mag aral baka bumagsak sya pag di sya nag aral pero ngayon, I don't know where he is.

Nawala na naman siya ng parang bula and it's been like a week.

"Trevor."

"Peksman di ko talaga alam, Yumi." Gumawa pa sya ng cross sa dibdib nya sabay iling. Napabuntong hininga nalang ako at napaupo.

"Saan ba siya nagtatambay?" mahina kong tanong.

Umiwas naman sya ng tingin. "D-Di ko din alam."

I squint my eyes dahilan para mas lalo niyang iniwas ang mukha niya.

"You're lying."

"Phoenix." tawag ko sakanya nang makitang dumaan sya. Agad naman syang huminto at hinarap ako. Binalingan ko naman sya ng tingin.

"Where is Xionus?" I asked.

"To a place you shouldn't know." Bored niyang sabi habang nasa libro lang na hawak niya ang atensyon niya.

"What do you mean?" Tanong ko ulit.

"You will be killed if you go to that place—"

"Phoenix!" Pagpigil ni Trevor kay Phoenix.

"What? I'm just telling the truth, Trevor."

"Just shut up," inis na sabi ni Trevor sa kanya.

Mas lalo tuloy akong naguluhan. Nagpabalik-balik ang tingin ko sakanilang dalawa.

"Whatever." Nagkibit balikat lang si Phoenix at nagsimula nang maglakad papalayo.

"Damn that nerd. Di naman siya tumutulong sa pagbabantay, libro lang inaatupag." Trevor hissed while I'm staring on space.

"Yumi!" Nabalik lang ako sa sarili ko nang tawagin ako ni Trevor.

"He's fine right?" Pagtatanong ko. He paused for a while then nodded.

"Kain ka muna, ako ang pagagalitan ni master pag di ka kumain," sabi nya sabay kamot sa ulo at bigay sakin ng pagkain.

Umiling ako. "May lunch ako."

Kinuha nya ang kamay ko sabay pilit na inilagay yung lunchbox. "Yan ang pinapakain ni master sayo."

"Why?" Nagtataka kong tanong.

"Just because," he bluntly said. I sighed at nagsimula nang kumain.

Matamlay kong sinubo ang kutsara. I felt lonely again. I'm back to square one. Nothing but myself only. I don't have friends, anyone to chat to, anyone to eat together.

Napayuko nalang ako.

"Samahan mo kong kumain, Trevor. Stop staring." puna ko.

"Pero papagalitan—" I glared at him. "O-Oh okay."

Umupo sya sa tabi ko at binuksan ang lunchbox nya. Nagulat nga ako ng maglabas siya ng lunchbox, I thought he's like other guys na mas gugustuhing magtake out sa fastfoods.

"Want some?" Alok niya nang makitang nakatitig ako sa lunch niya. Umiling naman ako.

I continued staring at him.

"May gusto ka na ba sa akin nyan? Mas gwapo talaga ako kaysa kay master." Nagpogi sign pa sya dahilan para mapatawa ako.

"Oo, gwapo ka." Agad namang namula ang tenga nya dahilan para mas matawa ako. "Kaso mas gwapo sa paningin ko si Xionus." I laughed hard when his face turned into grimace.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon