Chapter 13
Naalimpungatan ako nang may makarinig ng ingay. I glanced at the clock beside me, it's already three in the morning, bakit may nag iingay pa?
My mind feels hazy. Nagpalinga-linga ako sa di pamilyar na silid.
And I realized—nasa bahay ako ni goon.
Napalingon ako sa pinagmulan ng ingay. Sa kitchen. Agad ko naman itong tinungo at dito ko natagpuan si goon. Nakapagtataka dahil nakatayo lamang siya sa kawalan.
"Goon?" tawag ko. Akala ko magagalit siya pero di naman siya tumugon.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanyang harapan. Mulat naman ang kanyang mga mata at nakatingin lang sa kawalan.
"Xionus," tawag kong muli habang ikinaway-kaway ang aking kamay sa kanyang mukha.
"What's up with you? Ang weird mo."
Mas lalo akong nagtaka nang bigla lamang siyang tumalikod at naglakad. Sinundan ko siya papunta sa kwarto niya.
What's happening to him? Don't tell me he's... sleepwalking?
Napatawa nalang ako. I can't believe it, ang isang goon nagslesleep walk! I want to take out my phone and took a video para ipagkalat sa school, pwede din itong pang blackmail sa kanya.
But I just giggle with the thought and followed him until he directly goes to his room. Akala ko hihiga na siya but he turned unto me, kung di ko alam na nagslesleepwalk siya aakalain ko talagang nakatitig siya sakin.
"Yumi," he whispered, nanlaki naman ang mga mata ko.
He then goes to his bed and sleeps as if nothing happened.
I just brushed off the thought at pumunta na sa sariling kwarto at muling ipinikit ang aking mga mata.
Nothing happened. Wala akong narinig, wala akong nakita.
.
Sinag ng araw ang pumukaw sa akin. Tiningnan ko ang orasan and it's already six-thirty in the morning. Agad akong bumangon at pumasok sa cr para maligo. Pagkatapos kong magbihis ay nagpunta ako sa kitchen.
Napahinto ako. Nakalimutan ko na wala na palang magluluto para sa akin. Di naman sa di ako marunong magluto, nasanay lang talaga ako na meron nang pagkain pagkagising ko pero ngayon, mukhang dapat na akong masanay na ako ang magluluto kasi maid nga ako ng goon.
May narinig akong kabog sa kwarto, mukhang gising na ang goon.The timing is perfect kasi tapos na din akong magluto. I cooked ham, egg and toasted bread dahil walang laman ang ref niya at mas sanay ako sa light breakfast, di ko lang alam kay Xionus.
Ilang minuto lang, natapos na akong magluto at kasabay nito ay ang paglabas ni Xionus sa kanyang kwarto na nakapagbihis na at may dalang towel para patuyuin ang kanyang buhok.
"Breakfast," sabi ko sabay bigay sa kanya ng platong naglalaman ng sandwich kong gawa.
"Hmm." Tango niyang sabi, tumalikod na ako sa kanya para linisin ang kalat ko. Inipit ko sa aking bibig ang aking sandwich dahil di ko matatali ang buhok ko ng isang kamay lang ang gamit.
Pagkatapos kong maglinis ay lumingon ako sakanya. Nagulat pa ako nang namalayan na ang lapit niya. I was astounded when he moves his face closer to mine at kinagatan niya ang sandwich ko, nanlalaki ang mata akong nakatitig sakanya.
Did my heart just skip a beat?
"Gutom pa ako," sabi nya sabay talikod at pasok sa kanyang kwarto. As if he didn't just do something like violating my personal space.
BINABASA MO ANG
Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)
ActionBook 1 Yumi an ordinary girl but as she encounters Xionus on an unpredictable accident her life drastically changes. Life is always a mess and you are a warrior of your own life. The real problem is how would she solve this mess life has given to he...