IKAWALO
Matalim ang titig sakin ni Ishmael habang nasa bisig niya ang anak ko. Kinagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin.
"Rolly, isama yan sa sasakyan. Let's go!" bulyaw nito.
Sa isang iglap lang ay nakita ko ang sarili ko sa kasunod na sasakyan ng Audi sa harapan. Hindi ako mapakali dahil iniisip ko pa din ang sugat ni Tine. Nakita ko kung paano siya nalaglag at hindi matupad-tupad ang panalangin ko na sana ay ako na lang ang nalisat at nasugatan. Para akong dinudurog sa nakita ko. At pangalawa...bakit ako pinasama ni Ish? Ayokong mag-isip ng kung ano. But then the image earlier. Tine, and her daddy. Parang isang panaginip pero hindi. It was all real.
Kinakabahan ako nang huminto ang sasakyan at bumaba ang mga bodyguard. Bumaba ako at isang mansion ang lumapat sa aking mga mata. Bago pa ako maka-react ay nakita ko na kaagad si Ish na halos takbuhin ang loob nito, Tine in his arms. Parang maikling belo ang kanyang laylayan ng suit habang tumatakbo. Hindi ko alam ay tumatakbo ka din pala ako at hinahabol ang anak ko.
"B-Bakit hindi sa ospital?" Nautal ako. Alam kong grabe naman kung sa ospital pero umaatake ang pagiging ina ko. I was deprived of her for so long that a mere scar causes a heart attack. Nasa tapat ko na sila at napanatag ako ng kaunti nang makitang pinapalobo ni Tine ang kanyang pisngi at mukhang walang paki sa sugat. Medyo nagulat pa ito nang makita akong nasa tabi ng kanyang magiting na Daddy.
"Shut up, woman. You stay back in there and don't tell me what to do." Malamig ang boses nito. Parang paulit-ulit na ginagantsilyo ang puso ko ngunit hindi ako nagpatinag.
Pumasok kami sa isang malaking kwarto. Magara ito gaya ng kabuuan ng mansion ngunit wala na akong oras para pansinin ang mga walang kwentang mwebles. Nilapag ni Ish si Tine ng sobrang marahan. Hinalikan nito ang noo ni Tine at ngumiti ng matamis. Nanatili ako sa pwesto ko at pinipigil na huwag mapasinghap. Napakagat ako sa labi ko.
"Daddy. Ouch," ngumuso si Tine at tinuro ang tuhod at noo nitong natuyo na ang dugo. Pumungay ang mga mata ni Ish. Hindi ako makahinga.
"Daddy will kiss the pain away okay? Daddy's here."
Iyon ang huling salitang binitiwan niya bago pumasok ang dalawang babaeng nakaunipormeng pangnurse upang asikasuhin si Tine. Iilang maids din ang andoon. Hindi na ako nagtaka kung ganito na lang ang espesyal na trato kay Tine. Lumabas na lang ako dahil naiiyak ako sa nakikita ko. Pinipigilang umiyak ni Tine habang nililinis ang kanyang mga sugat. Naiiyak ako sa tuwa. My little baby's grown up. Ngayon lang ako binato ng langit.
Nakasandal ako sa pader at napatalon ako nang may padarag na bumukas at sumarang pinto. Bumungad sa akin ang isang Ish na mukang papatay sa sobrang dilim ng muka.
"Ish...." Tawag ko. Kumakalam ang puso ko at pumipintig. Nakita ko ang pagigting ng panga nito at isang hagod sa katawan ko ang ginawad sa akin bago ako kaladkarin papasok sa isa pang kwarto.
"I-Ishmael! Masakit!" Ang sakit! Ang hapdi-hapdi ng pagkakahawak niya isa kong braso. Tingin ko ay babaon na ang nga kuko nito dito. Pinagtitinginan na kami ng iba pang mga kasambahay ngunit pinigilan kong huwag maiyak.
Binalibag ako ni Ish papasok at ni-lock iyon kaagad. Sinalubong ako ng galit niyang mga mata. For a moment there, it pained me to see his rage. The rage that transformed him to become---to become this.
"Ish..." Mahinang tawag ko habang nakatayo at pinangingilidan ng luha.
"Don't." Tumawa ito ng sarkastiko. "Don't you dare say my name. What did I say, huh? Anong sinabi ko? Stay the hell away. And then, see what happens." Inilingan niya 'ko. Tinatlo ako nitong hakbang at hinawakan nanaman ako sa braso. Kahit namamalipit ako sa sakit ay pinilit kong magsalita.
"Anak ko pa din siya. You can't change that damn fact." determinado kong sabi.
Hindi ako nito binitiwan at inilingan akong muli.
"So, 'yun nga ang pinunta mo dito? Hell, if I didn't know better, gusto mo siyang kunin sa'kin. Ilalayo mo siya and you---will be a fúcking slut again." Nagaapoy ang mga mata ni Ish. Hindi ko alam na lumuluha na pala ako. Bumabalik lahat sakin ng sakit at lahat ng hirap na dinanas ko mabuhay lang ang anak ko. All the things we - I went through. Wala siyang nasaksikhan. 'Coz he was too damn busy sulking over false accusations!
"Anak mo siya. I get it. But she is my daughter, too, no matter what. Dugo at laman ko rin siya." Pinahid ko ang luha. I refuse to be weak. Neither of us is right. Pero sige. Siya ang tama, para sa anak namin, siya na ang tama rito. "The problem is you, Ishmael. You're too blind. You're too seflish! Kahit isang yakap lang ay ipagdadamot mo pa."
"You know, what? I know that. Alam ko. Its the unchangeable fact. But I chose not to acknowledge it. Because you--- are dead long overdue. " Pumikit ito ng madiin at nanggagalaiti ang bagang.
Pagod at pagkabigo ang tumarak sa puso ko kasama ng mga punyal. Its tiring. Its too much. Ang sakit niyang magsalita.
Madilim ang muka nito at kunot na kunot ang noong nakatitig sakin. Bumilis ang hininga ko. Gumapang ang tingin nito sa kamay na nakasakmal sa braso ko na ngayo'y nagiging kulay lila na. Umakyat ang tingin nito sa leeg ko at humagod muli pababa papunta sa aking dibdib. I shivered. I know that look.
Nagkiskis ang nga ngipin ni Ish. Akala ko bibitawan na ako nito ngunit maling-mali ako nang ang isang kamay ni Ish ay padarag na tinulak ang likudan ko papunta sa kanyang matigas na katawan. Shit. Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan kahit na may polo. Flashbacks flooded my mind. Of how many times we made love. Kitchen...bathroom...his garage. Mahal ko, e. Ang gaga ko kasi.
Sa ganitong posisyon ay amoy na amoy ko si Ish. Hindi pa din siya nagbabago ng pabango. That spicy and luring scent that made me weak. Mas tumigas ang kanyang katawan at mas naging makisig at hubog, i felt. Umikli din ang buhok niya ng kaunti at naging trimmed ang facial hair. He's got a clean cut now, looking more mature. More serious. Mukha siyang walang anak.
"Ishmael." bawal ko sa kanya. Pumikit akong mariin. He's pushing me deeper against him.
Sumsinghal nito sa tenga ko habang dumidikit ang mga labi sa aking tenga. Nawawalan na din siya ng hininga.
Gumalaw ako at nagpumiglas. He stiffened. Hard.
Nagsimulang maginit ang kalamnan ko at tumagaktak ang pawis ko. Anong mangyayari samin dito?
May kumatok sa pinto at pareho kaming napatingin doon ni Ishmael. Padarag niya akong binitawan. Nanumbalik ang kanyang pulang-pulang mga mata.
"S-Ser? A-Andiyan ho ba kayo? Si Mam Tine ho k-kasi hinahanap ho kayo..."
Nanatili akong nakatayo at iniinda ang pasa sa braso ko. Nakita kong napahilamos si Ish sa kanyang muka bago tinungo ang pinto. Bago lumabas ay humarap ito sakin.
"Get out of my property, slut. Wala ka'ng anak dito. She's mine and mine alone." Kung nakakapatay ang titig, kanina pa 'ko humandusay sa sahig. Nagmartsa si Ishmael patungo sa kwarto ni Justine.