XIII: The Need

240K 4.6K 445
                                    

IKALABINGTATLO


Ang akala kong kwartong hitik na hitik sa mapusyaw na pula ay isang kwartong punong-puno ng halos lahat ng kulay. Para akong nasa disneyland dahil samu't sari ang mga laruan. Iba't ibang hayop at mukha ng stufftoys ang nagkalat sa kung saan. May nakita pa nga akong isang trainset sa pinakagitna ng posibleng pinakamalaking kwarto kong nakita sa tanan ng buhay ko.


This is my daughter's room. Kahit ganito, hindi ako nagsisisi na binigay ko siya sa daddy niya dahil hinding-hindi ko maibibigay ang ganitong klase ng kasaganahan sa kanya. Maayos na para sa akin na wala siyang mommy ngunit may daddy naman at sagapsap niya ang buhay ng karangyaan ar kayamanan.


Dinaluhan ko si Justine na nanliliit sa napakalaking kama nito. Checkered ang design ng kanyang bedsheet na match rin pati ang pajamang suot. May bimpo sa ulo niya at pagalaw-galaw ang kilay habang tulog. Pumungay ang mga mata ko. Saglit ko siyang niyapos at batid ko'ng mainit na mainit siya. Binasa ko ang pang-ibabang labi at humarap sa daddy niyang parang lawin kung bantayan ang bawat paggalaw ko.

"Gigising ko na si Justine. Dapat ipa-ospital na siya. Ang taas ng lagnat." aniko sa pinakamahinahong paraan.


Nag-iwas ng tingin si Ishmael sa akin at humalukipkip habang sinusuri ang prinsesa ko.  "She should have been there earlier." sabi nito. 

Nag-iwas na lang din ako ng tingin. Punong-puno ng tensyon ang kwarto at sa isang kalabit na lamang ay baka gumuho ang lahat. Inayos ko ang medyo humabang bangs ni Justine. She looked so fragile.Tumingkad ang pagkamestiza niya dahil pumula siya dahil sa init ng temperatura sa katawan.


"Gisingin mo na. Gently." hirap ang pagpapakumbaba sa kanyang boses.


"Don't try to steal her away from me while I find some clothes for you to wear." Dumagundong ang kanyang utos nang simula kong marahang tapikin ang balikat ni Justine.

Tumingin ako sa suot ko. Maayos naman ang suot ko.


"Justine...baby...gising na....tara na sa ospital..." Mahina ang boses ko at marahan din ang pagyugyog ko dito. 


"'Nak, gising na." Nanginig ang pang-ibabang labi ko dahil alam kong kahit anong gawin ko, isang estranghera pa din ang tingin sa akin ng sarili kong anak at tanging sa pagtulog lamang niya ako pwedeng humamak.


Her eyes fluttered open. Pumungay ang mga mata ko at ngumiti ng tipid. "Tara na sa ospital, baby. Para mawala na ang lagnat mo at pwede na magplay."


Sa pagkilala ng mga mata ni Justine sa kwarto at sa akin ay kitang-kita ko ang mga matang minana sa ama. Umiling ito at umubo ng kaunti. It pained me the most. "Ayaw. I'm scared of pointy needles po..." Malalaki ang kanyang mga mata. 


Hinimas ko ang kanyang buhok upang maibsan kahit papaano ng kaunti ang sakit sa ulo.


"You want icecream? Anong gusto ng baby? Chocolates? Toys? Anong gusto mo?" ngiti ko sa kanya upang kumagat siya.


Kumunot ang noo niya."I'm not tanga. Ii-inject niyo sa'kin ang pointy needle kapag nibigay niyo na ang gusto ko."


The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon