IKAAPATNAPUTISA
Umakyat ang palad ni Ishmael sa kanyang buhok upang suklayin ito. Nakabaling lamang sa akin ang kanyang tingin na para bang ako ang sagot sa lahat ng nagdarasal. The streetlights flicked in his eyes that only did a little to defy that question mark.
Nakakapanghina ng loob. Nakakatali ng dila. Wala akong masabi pero hindi ako sigurado. Somehow, my tears evaporated as I sobered up pero hindi ko pa rin limot ang pait ng nangyari kanina.
"Mag-cab lang ako papuntang resort. You stay here with Justine...." Pumikit ako at bumuntong hininga. Nagbabakasali na mawala ang tinik sa dibdib ko.
Umiling si Ishmael sa aking pakiusap at mukhang sinabog na lamang sa ere ang nanaig na katanungan sa mata. "I'll go with you. Justine can sleep here at bukas ko na lang susunduin."
"'Wag na. Kaya kong mag-isa." mabilis kong putol.
Naghahalo ang sasabihin ko sa aking utak. I'm still fed up from every word I countered ngunit ang madamay si Justine ay ayoko. Ayokong magising ang anak ko na wala ang daddy niya para mag-explain. And I don't trust Tita Allison so God help me. Kaya ko naman kasing mag-isa.
"Sasamahan kita, Justice." Punong-puno ng pinalidad ang tono ni Ishmael na siya niyang ginagamit kapag nasa loob ng kapitolyo.
Pumikit akong mariin. I wanna shout at him. Hindi niya ako kailangang turuan. He doesn't need to be silly enough to be with me dahil siguradong nag-trespass na siya sa linya ng kanyang Mama.
"Magagalit lang sa'yo si Tita Allison, Ish. Makinig ka sa rason." marahan kong pagtatatak sa kanyang utak.
Umiling muli si Ishmael. Pumihit siya at tumalikod ngunit nangunguha ng mumunting sulyap. May kislap sa kanyang itim na itim na mga mata.
"You're drunk! Dito ka na lang kasi." pahabol ko. Kinagat ko ang labi.
Inilingan niya akong muli bago tuluyang tinalikuran at umakyat sa kanilang bahay.
Naiwan akong mag-isa sa gitna ng kalsada at sa kagandahan ng eskinita. Naupo ako sa gilid at sinapo ang noo. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Daig ko pa ang sumakay ng rollercoaster. Marami akong ipinikit at isinigaw, maraming tumatak. Mabigat na mabigat ang dibdib ko.
Matapos ng dalawang minutos ay naririnig ko na ang mga yapak patungo sa akin. Hindi isa ngunit dalawa siguro kasama pa ng tunog ng pinaiikot na mga susi.
"Kausap ni Untie Lau sa kwarto. Okay na 'yon, bukas ay wala na." Paparating sina Macoy at Ishmael.
Tumayo ako at nagpagpag. Ngumiti sa akin si Macoy habang pinaiikot pa rin ang susi. Tumitig ako kay Ishmael na halatang humupa na ang pula sa mukha. Halata namang si Macoy ang magmamaneho?
"May nakalimutan pa ba kayo o tara na?" sabi ni Macoy. Pabaling-baling siya sa amin ni Ishmael.
Umiling ako at ganoon din si Ish. Tumango lamang si Macoy tapos ay sumunod na ako papunta sa kotse. Umikot si Ish upang pumunta sa gilid ko. Walang nagsasalita sa amin. I have to thank Macoy for that.
Buong drive ay nagsasalita si Ish at ang kanyang pinsan ng kung anu-anong pangungusap na hindi ko naman sinusundan. Pinagmamasdan ko lang ang aming mga dinadaanan. The lights and flowers on the people's park, the street stalls and their ambiance, plus the energy pulsating that's keeping the city alive. Naiiyak ako dahil imbes na dapat ay mabilis ang pintig ng puso ko sa oras na ito ay nanlulumo ito at nababagabag. My chest is tightening and yet I feel I'm Judas from the garden of Gethsemane here.