LIII: His Bullets

181K 3K 322
                                    

Sumasagot si Ishmael sa mga tawag o 'di kaya'y ito ang tumatawag. Minsan ay tatawag ito sa Skype bago matulog. Ngumiti akong tipid sa camera.

"I'm good. You? Uuwi ka na ba mamaya?" sabi ko.

Sa background ay nakikita ko ang puting mga unan at bedsheet. Nasa hotel kasi ito. 

"I'm good, too. Though, hindi pa rin ako makakauwi. I'm sorry---"

"You have nothing to be sorry about! Its okay..." sabi ko.

Kumunot ang noo ni Ishmael pero agad ding nawala. Pinakatitigan nito ang screen na pagitan namin. Napanguso ako.

I just missed his face, his frowns. I missed his warmth here in the bedroom. Malamig ang espasyo ng kama sa tabi ko. I missed him. Hindi ko alam kung bakit. Clingy? Surely, three days wasn't that bad! Three days lang naman!

"Magre-resign ka pa ba pagkatapos mo d'yan?" sabi ko.

"Yes. I wouldn't reconsider, Justice."

Bumaba ang view ni Ishmael sa screen nang humilig sa unan. Tumagilid ito at ngumisi ng tamad sa akin. I saw half of his face.

"Sleep. Don't worry too much about me..." aniya.

Sa umaga ay tatawag si Ishmael at pagkatapos noon ay dire-diretso na. Bali, ang huling tawag na lamang nito sa maghapon ay ang pagsa-Skype namin bago matulog. Well, at least I can see him. He's in a good shape, I'm good with that.

Kailangan planuhin 'yung site kung saan may isang pabrikang sumabog. Bukod sa sunog ay maraming kemikal ang nakaapekto sa lugar. Ishmael is acting governor, and I hope he comes home soon.

Sometimes,  I wondered, how did I ever reached this.  Four years ago, I channeled my misery into poems I thought paper couldn't handle. I was too goddamn miserable, I kept looking back. And now, here we are.

"Hello, Mommy! How are you? I miss you so much. I wish you're here with me!" sabi ni Justine.

Tumatawag din ako kay Justine. Sometimes, she'd call. Actually, she calls frequently. Mukhang nag-eenjoy naman ito sa kaniyang Lolo. I really hope she does.

"I wish you are here with me too, baby." sagot ko.

"If you are here, I'll introduce you to Kuya Jake, Stephie and Luke. They said they want to see my mommy. Do you want to see them?" aniya sa kabilang linya.

"Yes, but I like to see you first." Hinawakan ko ng maigi ang phone.

Malakas ang tawa ni Justine sa kabilang linya. Kasama nito ang mga pinsan sa outing. After that call, tinext ko si Ishmael tungkol sa details ng recognition. The day passed. Harriet went in here too. Ishmael probably told her to visit me although Harriet denied.

"Manang Belen, ano pong niluluto niyo?" Nakatigilid ang labi ko habang bumababa.

Nagising ako sa amoy nanggagaling sa kitchen. Nakita ko si Manang na may binabati sa bowl.

"Ay, pancake, Justice. Kakain kakain ka na ba? Gusto mong ipag-prito kita ng egg?" Nag-angat ng tingin sa akin si Manang.

May mga itlog sa counter na hindi pa nababati. Hindi pa rin naman nahahalo ang powder. May nakasalang na na isang pancake sa pan. May condensed milk din akong nakita.

"Teka..." Binitiwan nito ang bowl. Nagpatuloy si Manang sa stove at kin-crack ang isang itlog. 

"Thank you po." sabi ko. Naupo ako sa counter at dinawdaw ang isang daliri kutsara ni Manang. Umasim ang mukha ko sa lasa. 

"Manang, ano po ito?" Tinitigan kong maigi ang mixture. 

"That's a pancake mixture..." malalim na pahayag ng nasa likod ko.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon