XXIX: Governor

249K 4K 406
                                    

IKADALAWAMPUTSIYAM

"Daddy! Tita! How do I look po?" Ang katinisan ng boses ni Justine ang nangibabaw sa buong mansyon. 

Tumingala kaming pareho ni Ishmael, upang tanawin ang isang pababang Justine. Namungay ang mga mata  ko nang makababa siyang tuluyan at umikot para makita naming buo ang kanyang itsura.

Naka-dress si Justine ngayon. Its a black sleeveless top, and a red tutu skirt adjoined with black stockings. Gaya ng kanyang nasa ulo ay may malaking red na ribbon sa itim na flats.

Napangiti akong malaki. I just wanna take picture of her right now. Justine looks so cute! Parang ang sarap-sarap niyang yakapin, kahit na bungal-bungal ang mga ngipin. She looked different when she's not on her tomboy clothes, she looked extra beautiful really.

"Well, you just happened to take all my breath away, baby...." ani Ishmael habang nagsisipagkintaban ang mga mata.

Napapadako ang tingin ko sa kanya, at naninikip ang dibdib dahil sa pag-angat ng kanyang labi. Nakakatindig ng balahibo ang hangang nakikita ko sa kanyang mga mata at labi.

"We match! We match!" Tatalon-talon si Justine habang malaki ang ngiti. 

I felt true joy in it. Iba ang dating ng ngiti niya ngayon, dahil sa simpleng pagpapares namin ng suot na damit. As if something filled the hole and then, fit it complete. Dapat ay masaya rin ako, but for some reasons, I find it quite sad.

Sa isang itim na kotse kami sumakay at hindi sa sasakyan ni Ishmael. Tulad ng dati, bantay-sarado ang harap at likod na panigurado'y puno ng mga bodyguard lalo pa ngayon at hindi lang ang kanilang mayor ang kasama kung hindi pati na rin ang anak nito.

"Daddy, you wanna watch a video?" ani Justine nang binunot ang iPad sa kung saan.

"Sure." Nagkibit-balikat naman si Ishmael, tapos ay kinuha ang iPad.

Dinig ko ang nagsisimulang video ng colorblind test. Nagtama ang tingin namin ni Justine, at pinakita niya sa'kin ang isang ngisi. Tumaas ang kilay ko dahil ang pinapanuod ni Ishmael ay ang video na dahilan kung bakit kamuntik ko nang maibato ang iPad. Nilagay ni Justine ang daliri sa labi at sumenyas na tahimik lang ako. Oh, boy.

"Its a test if you are colorblind...." pagtutudyo pa ni Justine.

Hindi ko alam, napatingin na rin ako sa nanunuod na Ishmael kung ano ang gagawin niya. Nagpipigil na ng tawa si Justine at napapangiti ako sa kanyang mukha.

Malakas ang volume ng iPad kaya naman pati ang driver ay nagulat. Tumaas lamang ang kilay ni Ishmael tapos ay binalik ang iPad kay Justine.

"Am I supposed to scream or something?" tamad niyang sabi.

"No fun! Para ka namang tuod, daddy, e! Para ka namang walang eyeballs!" Humalukipkip si Justine, tapos ay humingi ng pasensiya sa driver.

Nagkahulihan ang tingin namin ni Ishmael kaya naman umiwas ako, ngunit sa gilid ng mga mata'y hindi niya pa rin ako binibitiwan.

"Hmm. How about Tita Justice? I bet she watched that already." Muntik nang tumaas ang isang gilid ng labi ni Ishmael.

Doon, nabuhay ang bilugang mga mata ni Justine. Bago ko pa siya mapigilan ay kinuha na niya ng videocam sa bag niyang Minions. Umuuga na yata ang sasakyan dahil sa walang hanggan niyang pagtatalon habang sabay nilang pinanunuod ang video ko.

Pumikit akong mariin upang kontrolin ang pag-akyat ng dugo sa aking pisngi.

"Your face, tita!" anang Justine sa video.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon