IKATATLUMPUTISA
"I'm sorry..."
Para 'kong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig. Naninigas ako sa aking kinatatayuan. Daig ko pa ang isang nabingi, dahil sa bombang kanyang ibinaba sa'kin ngayon.
Napailing si Ishmael kasabay ng kanyang mga malulutong na mura. Pumikit itong mariin, ngunit pinakatitigan nanaman niya ako.
I got clouded again. Sa mga mata niyang 'yan; galit, masaya o blanko - all the same reaction I got. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I thought about that night, but then I thought about those nights. Iyong mga gabi na walang uwian mula sa ospital. Mga gabi na makakatulog si Justine sa sariling iyak, at gigising nanamang ganoon. It got me hella confused. Sorry?
"Nevermind." Tumayo si Ishmael mula sa pagkakaupo at inilagay ang tasa sa sink.
Nangati ang dila ko para sa mga apila, ngunit wala akong nagawa. Diretsong nagmartsa si Ish paalis ng kusina, a string of curses in his trail.
Natulala ako sa kanyang umuurong na pigura hangga't sa tuluyan na 'tong naglaho.
Ang gabing ito ay mas lalong wala akong tulog. Ang mamalat-malat na boses ni Ish, his deep and thundering eyes, at ang kanyang katagang binitiwan; ang mga tumatakbo lamang sa'king isipan buong gabi. Kinaumagahan, pakiramdam ko ay daig ko pa ang nakipag-inuman kagabi. I felt like I'm having a hangover.
"No, Ateng... Daddy approved nga! You are defying the mayor's order....bad Ateng...wala ka star kamo..." Um-echo ang matinis na boses.
Tinulala ko ang puting ceiling at naghikab. What time is it, anyway? Nag-iisip ako ng mga gagawin ko mamayang may pasok na si Justine. Itatawag ko na lang siguro kay Lacey na baka pwedeng sa ganoong oras kami magkita. Then, I'll spend more time with Justine later.
"Its almost, Ateng,...let me in..." Nag-echo nanaman ang boses.
Doon, natauhan ako. It must've been Justine. I did my morning routines fast. Tapos ay lumabas ako ng kwarto. Naglalakad pa lamang ako papuntang engrandeng sala ay nadirinig ko na ang pagtatalo ni Justine at ng kanyang yaya.
"Be, pasok ka na kasi. Bahala ka, iiyak ako." Her Ateng looked exasperated.
"Because ayaw mo naman po kasi ako papasukin sa room ni tita, e....." Napanguso ang kaharap niyang si Justine, who is very much ready for school. Suot-suot nanaman niya 'yung pulang uniform niya na may malaking ribbon. Sumilay ang ngiti sa labi ko.
"Justine..." Marahan ang aking tawag nang makalapit na sa kanila.
Parehas nila akong nilingon, so is Justine's bodyguard and driver who's also in the room.
"You're awake na, tita? Akala ko hindi ka na magigising, e. Akala ko bulok ka na sa room mo. Akala ko kinain ka na ni Dibo! Tita, can you accompany me to school? Hatid mo 'ko, please?" Nagtatalon siya habang nakapokus sa'kin ang malalaking mga mata.
Sa sobrang bilis ng kanyang sinabi, wala akong naintindihan ngunit ang mahalaga ay nakangiti naman si Justine. I eyed the curious glances of the staffs. Tapos ay lumebel kay Justine.
"Good morning to you too, baby." biro ko sa kanya. Napanguso siya, tapos ay nginitian nanaman ako. Sa gilid ng aking mga mata ay bumuntong hininga ang mga staff na para bang ngayon lang kakalma 'tong batang 'to.
"Nagkukulit ka ba, baby? I heard how you talked to Ateng, and its rude." sabi ko.
Justine looked from me then to Ateng, then back to me again. Nanlumo ang balikat niya.