IKALABING DALAWA
"Daddy?" anang boses sa pintuan.
Sabay kaming napatingin ni Ishmael sa isang bagong kagigising na si Justine. Mabilis kaming naghiwalay sa isa't isa. Nakatayo lang ako sa gilid habang si Ish ang nagpunta kay Justine at binuhat. Humilig lamang ang anak ko sa leeg ng kanyang daddy. A sigh and a smile of contentment, a satisfaction on her lips..
"Ang tagal mo kamo, daddy! Bad!" ani Justine at lumagapak sa ang maliit na kamay sa pisngi ng kanyang daddy. Humalik lang si Ishmael sa noo nito. "I'm sorry, baby. Daddy is sorry."
Lumagabog ang dibdib ko. Ang sarap-sarap nilang panuorin. Nakakataba ng puso sila tingnan. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Pero hindi, dahil punit na at nagkalat ang mga piraso ng aming buhay mula nakaraan at kasalukuyan. Its all scattered everywhere, ripped, lost and broken. And can't do anything to fix that.
"Daddy, bakit ang bango mo? Hmm, daddy bango! Bango daddy!" Umikot ang mga kamay ni Justine sa leeg ni Ishmael at pumikit.
Sumilip siya sa akin gamit ang isang mata atsaka ngumiti. Dahan-dahan akong ngumiting pabalik at muling nilaglag sa labi nang hinarap ako ni Ishmael nang mga galit na mata, tapos ay nagmartsa siya paalis ng apartment na tela mo inosente.
Matapos ang ilang minutos ng katahimikan, pumunta na akong sala at unti-unting sinara ang pinto.
I spent my afternoon typing since I haven't done that lately. May mga taong umaasang mabubuo ang maghapon nila dahil sa gawa ko at iyon ang pambawi ko sa nadadamang kurot sa dibdib. Barilan ang palitan ng mga salita ko sa aking utak na binabarena naman ng mga kamay ko sa keyboard. Sa mga sumunod na araw, nagkulong lang ako sa apartment like the hermit I am.
Isang gabi ay pumasok si Lacey na may dala-dalang paper bag. Dinner?
Humilata ito sa sofa. "Grabe! Grabe! Justice!!!"
Hinarap ko siyang nakataas ng kilay. "Hectic sa trabaho?" Tanong ko.
Umiyak ng nalakaloko ang muka ni Lace ngunit walang tunog. Kahit papaano naman ay nabawasan ang hukay sa dibdib ko.
"Bwisit! Kung 'di ko lang talaga boss 'yon at kung hindi good looking! Naku talaga, makakatikim 'yon sa akin!"
Si Ishmael iyon panigurado.
Hindi na lamang ako nagsalita pero siguro nga ay may lahing bungangera sa pamilya nila Lacey.
"Siguro tigang. Sita ng sita! Napaka-init ng ulo, 'lang'ya!" aniya atsaka pinagsasabon ang bigboss niya sa trabaho.
Nagkibit ako ng balikat at hindi na siya pinansin. Binalik ko na lang ang atensyon sa laptop.
Nagdinner kami ni Lacey na puros ganoon ang sinasabi niya. Natutulilig na nga ako. Kahit ayoko, naaalala ko ang nangyari. The way he stared at me. Galit. Deep. Masakit ang dibdib ko nang mga panahon na 'yon, pero tumatak talaga sa utak ko ang kanyang mga mata. Matapos nagdinner ay bagsak siyang kama habang ako naman ay nasa laptop pa rin.