XXVII: Wish You Were

245K 4.1K 407
                                    

IKADALAWAMPUTPITO

"Hakuna matata...." Nilipat ni Justine ang channel. 

She's still oblivious, though. Nakapokus lamang ang mga mata sa harapan, habang dumudukot ng popcorn. Para siyang automatic and I find it very cute. Cute na cute sa stripes na pajamas, at nakatirintas pa. Siguro kanina ay binalik na siya ng lolo niya, since nakita ko ito sa kapitolyo.

"Justine...." marahan kong tawag.

Binaling niya sa'kin ang tingin at nanlaki kaagad ang kanyang mga mata. Panay ang talon ng puso ko.

"Tita Justice! Kanina ka pa d'yan? Hindi mo naman sinasabi kaya! Ay, medyo nag-tan ka po. Pero pretty parin!" Tumalon siya sa sofa at yumakap kaagad sa binti ko.

Humalakhak ako habang bumaba sa kanyang lebel tapos ay niyakap siyang tuluyan. Tita Justice will suffice, kahit masakit. Ang yakap niya ay walang katumbas. Nawawala lahat ng alalahanin ko, lahat ng nagpapabagabag sa isipan ko.

"Kadarating lang namin, baby. Ang cute mo naman sa pj mo." Hinaplos ko ang kanyang pisngi nang may malaking ngiti.

Napatingin siya kaagad sa kanyang suot tapos ay nagkibit-balikat. "Cute naman po talaga ako."

Napahagikgik ako. Same old Justine! I missed her, so, so much. Tuwing matutulog ako sa gabi ay palaging siya ang inaalala ko, at ang gabing umalis ako sa mansyong ito ay siya lamang ang tumatakbo sa isipan ko. Ang kanyang mga matang bilugan, at mahahaba ang pilik-mata. Tantalizing and speaking, despite her age. Na-miss kong lahat.

"You're cute alright, baby. Sabi ni daddy, galing ka raw kila lolo? Did you have fun?" sabi ko tapos dumiretso kami sa sofa. Kumandong kaagad sa'kin si Justine tapos ay inikot ang mga kamay sa aking leeg. Sumikip ang dibdib ko.

"Yup! May pinuntahan kami, tapos po, may cave. Sumuot kami do'n, tapos nauntog ako! Ang sakit sa noo! May bukol nga po ako kahapon! Nilagyan nila tito ng herbs then I'm okay na!" Malaki ang ngiti ni Justine habang dinuduro ang noo na wala naman nang bukol.

"Dapat mag-iingat palagi para hindi na masasaktan, by." paliwanag ko habang hinahaplos ng noo niya.

Justine pouted. "I did not see naman! Madilim! Saka madaming tusok, sabi ni tito kapag daw magulo kami malalaglag 'yung tusok, tapos iba-barbeque kami!"

"Stalactite at stalagmite, baby." Napapangiti ako. "Pero mag-iingat palagi, ha. Kapag tatawid, titingin sa kanan saka sa kaliwa, 'wag tatakbo kaagad. 'Wag din tatakbo para hindi madapa, saka kapag may nagluluto ay 'wag muna lalapit kasi baka maapakan ka, ang liit mo pa naman."

"Hala! Ang dami naman pong aalalahanin! Ang dami dami dami dami! Naman, tita, e!" Nagsalubong na ang kanyang kilay bilang pagmamaktol.

Kinagat ko ang labi tapos ay pinlantsa ang kanyang salubong na kilay dahil kamukhang-kamukha nanaman niya ang daddy niya. Ngumiti ako sa kanya at binigay lamang niya sa akin ang mga tingin. Iba talaga ang mata ni Justine, parang binabasa ko sa simpleng kurap lang ng mata. Its like silver lightning, very much spirited but at the same time, burning.

"Ay, si daddy po! Is he here yet?" aniya na nakapagpabalik sa akin sa realidad. Nagtatanong ang kanyang mga mata at nakatigilid ang mukha.

Tumango naman ako kaagad at saka tumango sa itaas. 

"Nasa taas si daddy, nagbibihis. Go ka na sa kanya?" Binaba ko siya mula sa hita ko, kahit na parang gusto ko pa siyang yakapin.

"Ikaw din po, bihis ka na sa room mo. 'Yung room mo pala, tita, ako nagdesign! Nilagyan ko ng flowers and hearts. And pink! Hindi ko po alam kung mas gusto mo si Pooh, or si Piglet kaya si Simba na lang dinikit kong sticker. Okay lang po, tita?" Tumataas ang kanyang kilay tapos ay tumatalon-talon.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon