XIX: Her

222K 4.3K 195
                                    

IKALABINGSIYAM


Na-distract naman ako kahit papaano sa mga mumunting tinuturo ni Gab. Ni Sir Gab. I really need to stick that in my brain. Mga basics lang naman at pagse-set ng password sa computer tapos ayos na dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na sasabak akong office.


"Hi! I'm Harriet! Bago ka?" Ngumiti sa akin ang isang babaeng nakacorporate attire din tapos ay kumakain sa loob ng pastry room.


"Ah, kasisimula ko pa nga lang ngayon. Ako si Justice." sabi ko naman atsaka ngumiti. Tinanggap ko ang kamay niya. Doon ko napagtantong ang lambot pala ng kamay niya at kung titingnan sa ikalawang beses ay manlalaki ang iyong mga mata.


"Oh. Saan floor ka?" tanong pa niya habang kumakain.


Nagkibit-balikat ako. "Five? Sekretary ni Sir Gab." Buti ay hindi ako nadulas sa Gab. "Ikaw? Saan ka?" sabi ko. Muli, pinasadahan ko siya ng tingin. Kakaiba talaga ang mata niya at ang puti-puti ng balat. Medyo matangkad siya, ngunit batid kong mas bata pa siya kaysa sa akin. Actually, bata pa yata siya para magtrabaho.


"I don't work, e." ngiting-ngiti niyang pahayag. 


Napataas naman ako ng kilay at minuwestra ang suot niyang slacks atsaka dress shirt. 


"What? Masama na ang ganitong get-up?" Humalakhak siya. Iniwasan ko ang lukot ng mukha dahil hindi ko siya makuha.


Maya-maya ay napatingin naman na siya sa kanyang relo, tapos ay mabilis na nagpaalam sa akin. Napailing na lang ako.


Ngayong mag-isa na ako sa silid ay napapaupo na lang talaga ako habang kumakain nitong muffin. I tried my best not to think about it, pero gaga 'tong utak ko. Kinain-kain ko na lang ang mga ubeng muffin dito sa loob ng pastry room, atsaka nagtimpla ng kape para sa boss ko.


Hawak-hawak ko pa lamang ang platito ay nabubuhusan na ako ng malamig na tubig nang makitang kabababa pa lamang ng elevator. Shoot. Napaaga? And why am I like this? Its irritating. Huminga akong malalim at nagpakawala ng kalmadong buntong hininga. 


Taas-noo kong pinasok ang opisina ni Gab.


"Iche-check muna natin ang vicinity, ofcourse. Problema na lang talaga natin 'yung titulo...." Nahimigan ko kaagad ang boses ni Gab. Ng-angat ako ng tingin sa kanya upang makitang nakatayo ito at umaaligid sa dalawang taong nasa silid.


"Oh! Guys, this is my beautiful secretary. Justice. Kilala mo na siya, Ishmael?" ani Gab nang namataan ako. 


Ngumiti naman akong tipid ngunit dumako ang tingin ko kay Ishmael na mabigat ang titig sa akin, atsaka kasama niyang babae. Nanlaki ang mga mata ko.


"Hi, Justice!" Napatayo si Harriet atsaka yumakap ng kaunti sa akin. Napanganga ako.


"You guys know each other?" Kunot-noo si Gab.


"Sorta like, ten minutes ago? I met her at the pastry room." sagot ni Harriet. Nauubusan talaga ako ng hininga.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon