XVII: Date

237K 4.4K 235
                                    

IKALABINGPITO


Mainit ang buga ng hangin dito sa metro, taliwas na taliwas sa masarap at preskong hangin kung nasaan ako isang bwan na ang nakakalipas. Nangagkalat ang mga tao para sa kani-kanilang trabaho para sa susunod na mga oras. Alas dies pa lang ng umaga ngunit tingin ko'y pupunuin na ng usok ng bus at dyip ang aking baga. Masyado ko yatang minahal ang syudad na iyon kaya naman medyo naninibago ako sa dating tahanan.


Kagagaling ko lang sa dating opisina ngunit nag-inquire lang naman ako kaya maaga ring nauwi. Kababa ko lang sa babaan ng dyip at swerte dahil walking distance ito sa lumang apartment namin ni Lacey. I've missed her. Naiwan kasi ito dahil tinatapos pa ang proyekto. I am so proud, no worries.


Nang makarating sa apartment ay naabutan ko si Aling Percy na nagdidilig ng mga halamanan sa harapan. 


"Good morning po, Aling Percy!" bati ko.

Lumingon sa akin ang matanda at bumungad din ng bati. Nagtuloy na ako sa loob. Wala pa akong kinakaing almusal. Nagugutom ako pero kailangan kong gumawa ng paraan para naman mabuhay ako.

Being a writer do supports me, ngunit gusto kong buksan pa ang mga pintuan para sa akin.


Matapos manguha ng ilang papeles sa bahay ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga kakailanganin. Nagsuot rin ako ng corporate dress. Subsob ako. Lipat dito, lipat doon. Pinapaalala lang sa akin ng metro na hindi ito puchu-puchu lang at kailangan mo talagang makipagsabayan dahil masisibak ka. Tumingin ako sa relo at nakitang saktong alas tres na pala.


Nasa loob ako ng waiting area para sa interview, naga-apply ako bilang sekretarya. Ok lang naman, ngunit kapag nadagdagan na ang credentials ko, lilipat na din. Tatapusin lang ang kontrata, iyon ay kung matatatanggap ako. 


"Ms. Novelina Santua?" Tawag ng nasa front desk.


Tumayo ang katabi kong kanina pa text ng text. The way she wore her attire and her hips flung, siguro ay makukuha siya kung lalaki ang employer niya. Napailing ako at inayos ang buhok. Kumakalam ang sikmura ko ngunit susunod na kasi ako sa iinterviewhin. Binunot ko na lang ang phone at iyon ang aking pinagdiskitahan.


Right before me is perfection. Stolen iyon dahil ewan ko ba, parang wala akong tiwala sa sarili ko na may karapatan ako kahit na pangitiin man lang siya sa picture.  Bagsak ang talukap ng mga mata nito ngunit ebidente ang kasiyahan sa muka. Nakalabas ang bungal na ngipin. Her curly hair fans her face while she was almost half asleep. And then her hands were tightly clutched around his nape. Her daddy's nape.


"Ms. Justice Gallardo?" Napatalon ako nang tawagin ako ng babae sa front desk.


Saktong pagtayo ko ay lumabas ang babaeng nauna sa akin. Tipid akong ngumiti ngunit parang wala itong nakita. Nagbikit na lang ako ng balikat at pumasok na.

A typical office for a manager welcomed me. Malaki at spacious ngunit hindi masyadong engrande. 'Yung sakto lang.


Nasipat ko kaagad ang lalaking nasa desk. Nakadaop ang mga palad nito at nakangiti ng malapad sa akin. He looks...familiar. Dumiretso ako sa kanya at iginaya ang aking kamay. 

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon