LIX: Tatakas

231K 4.7K 981
                                    

LIMAMPUTSIYAM

Binaba ni Ishmael ang picture frame na tinitingnan kanina. His eyes were all on me. Umaahon na ang mga luha ko sa pagbabalik ng sakit, ng pagmamahal, ng saya, ng isang bagay na hindi ko matukoy ngunit napakalakas ng tira. His eyes, the color of ash, his soulful and deep eyes are open.

Nakatingin ang mga ito sa akin.

"Sa labas lang..." Ngumuso si Gendry. Bahagya itong tumango kay Ishmael bago kinalabog ang screen ng bahay.

"Wait..." Lumamlam ang aking mga mata sa sarado nang screen at sa likod ng t-shirt ni Gendry na nakikisabay sa lakas ng hangin ng Batangas.

Binalik ko ang tingin kay Ishmael na hindi naman nabago ang pagkakatayo o ang mga matang pirmis lang sa akin. So, how do you exactly deal with situations like this? Iyong ilang buwan na hindi nagkita? And all those what happened in between...or just... Does he even remember? 

"Anong ginagawa mo rito?" 

 Binaba ko ang wallet at cellphone sa kalapit na ibabaw. Pinagdikit ko ang mga labi. I don't know how to react. I'm not prepared. Hindi ko  kailanman inisip ang ganitong sitwasyon. That Ishmael would come back? Hindi ko inisip. Nakakapamura ng sarili. Nakakasisi ba ang paniniwala ko? Na wala na kong babalikan, na naiwan ako?

I lost all the hope. Hindi ko na inisip dahil nakakapagod. 

"I could ask you the same thing, Just. Anong ginagawa mo rito?" Namulsa si Ishmael. 

Kumurap ako. Imbes na humaba ang kulay tsokolateng buhok ni Ishmael ay clean cut itong muli. Ang haba ng kaniyang pilik-mata, ang pula ng labi. He looked sharp. Polished. Parang walang nangyaring ingkwentro. Like he just went on a business trip of three months, tapos, bumalik. 

"For starters, Ish, bakasyon? Ang mga kamag-anak ko ay malapit sa akin. Isa pa, stable ang trabaho ko rito. I am living... At ikaw?" sabi ko.

Nililipat ko ang bigat sa kabilang paa at ibabalik muli. Marahan lamang ang titig ko kay Ishmael na ilang talampakan ang layo sa akin. Ang dibdib ko, nananakit. Nabibigatan.

Hinawakan ni Ishmael ang pang-ibabang labi gamit ang dalawang daliri. Sumikit ng mas matindi ang dibdib ko sa pabago-bagong galit sa kaniyang mga mata. "Justice, cut the crap--"

"Ikaw ang nagtatanong..." papahina ang boses ko. 

Pumapasok ang hangin sa bintana ng bahay. Nagsisimula ang panginginig ng mga palad ko. Nagiging singhap ang normal kong mga paghinga habang unti-unting bumabalik ang pakiramdam ng pagkadurog sa puso ko. Hindi ko alam kung paanong nangyaring namuo ang luha sa mga mata ko hanggang sa hindi ko na mapigilan ang mga pagtulo.

"Nasa America ka dapat at nagpapagaling. Y-You shouldn't be here, Ishmael. Bakit...ka ba andito? B-B-Bakit ba bumalik ka pa? You should be recovering..." Suminghap ako sa pag-uunahan ng aking mga luha. Bukas na bukas ang mga mata ko. 

"Bullshit! Fuck...ano ba, Justice? I'm here. I'm already here! Shit!" Tumigas ang panga ni Ishmael at hindi roon natitigil ang alon ng emosyon sa kaniyang mga mata. 

Tumataas at bumababa ang dibdib nito. His eyes are frustrated but sad. Galit. Nagtatampo. Nalilito. Mas lalo akong napaiyak.

"No! Umalis ka na. Dapat ay hindi ka na bumalik. You should have just stayed in the US... you should have stayed there for good! For Justine." sigaw ko.

Pumikit akong mariin. Hinahabol ko ang hininga. Nagbuhol nanaman ang sistema ko at ang mga pilit kong inuunat na mga linya ay muling bumabaluktot. The three months were gone. Step one nanaman ako. Nawala ang pinagpaguran kong pambubuhay sa sarili. The very same dreadful feeling of hopelessness and despair pierced right into my chest once again. 

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon