IKAANIM
"May I cut in?"
Napapikit ako ng madiin. Nagbukas ako ng mga mata nakitang nakangiti si Gab sa puno ng lungsod. Kailangang iwasto ko na utak ko na walang alam si Gab. Not even a single thing.
"Mayor!" Humalakhak si Gab ngunit si Ish ay nakangiting nanggagalaiti. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Gab. Napakagat ako sa labi ko.
"Engineer. Upo ka muna. I'll be the one romancing this...woman." Ngumisi si Ish kay Gab. Tatawa-tawa ang walang alam na Gab. Kumindat pa ito sa akin bago umupo.
Now I'm all alone with the devil. Damn it.
Namula kaagad ang pisngi ko dahil naabutan ko itong nakatingin sa bawat sulok ng katawan ko. Umigting ang panga nito at humakbang upang sakupin ang buong bewang ko ay nakakalasing. Simpleng haplos niya doon ay nawala ako sa sarili ko. Hindi tama ito.
Hindi ako gumalaw at si Ish pa ang kumuha ng mga kamay ko upang ilagay paikot sa leeg niya. Nararamdaman ko ang hininga nito sa tuktok ng ulo ko. Ni hindi ako makatingin sa kanya. Nagbago din ang tempo ng tugtog na parang nakikisabay sa agos ko. Its a slow dance now.
"Look at me," mahina ngunit madiin ang salita niya. My chest heaved up and down so hard. Mahirap talaga ang biglaan ganito. After all those years.
Inangat ko ang tingin dito. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong may iilang nagflash.
Hindi ko mapigilang hindi ito tingnan ngayong nasa malapitan na siya. The way he stares so coldly at me while slightly swaying to the music. Dati pa namang matangkad sa Ishmael, he's always the one that girls want because of his smile. Now, I don't think so. Swabe ang istilo ng buhok niya para sa okasyon. Malalantik ang pilik mata nito, maitim ang kilay at mga mata. Intense. Expressive. And stark black. Ang tangos ng ilong niyang kabisado ko. And then his luscious lips that made my knees tremble everytime they touch mine.
"Nakikinig ka ba?" Tanong nitong bigla. Bahagyang humipit ang hawak niya sa bewang ko na parang nangigigil ito sakin.
"Ano ba, Ishmael?" asik ko. "What do you want?"
Kumunot ang noo ni Ish ngunit nginisihan ako ng may galit.
"What do I want? I want you to stay out. Get the hell out of my territory, woman." matabang niyang payahag. And I admit, nanlambot ang tuhod ko sa kanyang sinabi ngunit tinigasan ko rin ang tingin.
From afar, we do look like the norms engaged in a heated dance. Masyadong mahigpit ang hawak sa akin ni Ishmael.
"Wala akong intensyon dito, Ishmael. Now if you don't know yet, I am telling you. Hindi ako manggugulo. Nandito lang ako para samahan ang kaibigan ko." paliwanag ko. Pumasok kaagad sa utak ko si Justine na pinagtatanggol ang isang kalaro nito. I'm so proud.
"Who are you to believe in? Wala ka nang mabibilog dito." matigas niyang sabi.
Nag-iwas kaagad ako ng tingin ngunit napasinghap nang idiin ni Ish ang sarili sakin. Napakapit ako sa leeg niya ng mahigpit. Suminghal ito sa tenga ko at nanunuyang tumaas baba ang kamay sa bewang ko.
"And about your dress. You still haven't changed yet - flaunting just to make a scene. Pero bahala ka sa buhay mo. All I ever want, is for you to be gone. Wala kang makukuha dito because you are damned to every one of us. Stay the hell out."
Ngumiti ito ng matamis na parang walang nangyari kanina. Parang nakipagsayaw lang ito ng normal sa akin. Bumalik na din ito sa table niya.
Naiwan ako sa dancefloor na lambot na lambot ang tuhod. Pain strikes hard. Dahan-dahan akong bumalik sa aking table ngunit bago makaupo ay diretso kaagad ako sa harapan.
Malamig dito kumpara sa loob. Madilim at walang tao. Hindi ko alam ay lumalakad na pala akong rumaragasa ang luha at binibigyang hikbi ang tahimik na eskinita.
Naaalala ko ang mga hinagpis na naranasan ko noon maitaguyod lang si Tine. Everything I had, I gave it up. Lahat ng akin ay pinaubaya ko at lahat ay kinalimutan ko para sa anak ko. Self-worth, self-comfort and even dignity. Lahat ay ginawa at binigay ko para lang mabuhay siya. And I get it. Si Ishmael na ang nagpuna lahat ng pagkukulang ko pero kahit isang yakap man lang ba sa anak ko ay hindi pwede? Kahit isang yapos lang o hagkan ay ipagdadamot niya? Sure, may epekto pa rin sa akin si Ishmael dahil siya lahat ng una ko, pero iba pala ang tama ng kanyang mga salita kapag anak mo na ang nadadamay. Only God knows how many nightmares I suffered after that day. Nahulog lahat ng turnilyo sa utak ko at doon ko napagtantong wala na kong pinaglalaban. Not because I was defeated, not because I am the loser and I failed. Hindi. I made a choice. At iyon ang pawalan ang anak ko dahil mas matatamasa niya ang magandang buhay sa puder ng kanyang ama.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak ngunit alam kong hinahanap na ako nila Lacey sa likod.
Namumugto ang mga mata ko at humihikbi na lang. Nakadinig ako ng mga mumunting boses sa likudan ko. Nakakita ako ng mga naka-civilian na damit, halatang napadaan lang.
Nakadama ako ng kaba lalo na't tumitingin sila sa akin at nagbubulungan. Papalapit na sila at ang iba'y makangising pilyo at nakatingin sa kabuuan ko. Umatras ako at nakaramdam ng matigas na bagay saking likudan.
"Mam, tara na po sa loob utos ni Mayor. Medyo delikado ho rito." Isa itong bodyguard na malaki ang katawan. May kasama pa itong dalawa sa likod niya. Bumalik ang tingin ko sa mga lalaki kanina na ngayon ay lumagpas na lang sa amin ngunit hindi pa din maiwasang tumingin. Napanatag ako kahit papaano.
Sumagi ang tingin ko sa entrance. Nagtama ang tingin namin ng kunot-noong si Ishmael sa loob. Mabilis din ako nitong tinalikuran.