II: Tine Cajucom

347K 6.8K 536
                                    

IKALAWA


Hindi ko aakalaing makikita ko dito si Ishmael. He was one of the least persons  I imagined to have an encounter with. Nakakapanghindik balahibo tuwing iisipin ko. Nakakapanghina ng tuhod at nakakapangkurot ng puso.


Si Ish ay isa sa mga taong dapat hindi na nabubuhay pa sa aking kasalukuyan dahil matagal na silang patay sa aking nakaraan. Minahal mo, naghiwalay kayo, tapos. Doon na dapat nagtatapos ang lahat at dapat ay hindi na binabalik-balikan pa.


"Tulala ka diyan!" Umalingawngaw ang sigaw ni Lacey sa kabuuan ng kwarto kaya naman napapapintig ang ulo ko.


Bumaling ako sa maganda kong kaibigan na dumating na pala galing ng site. Tumayo ako. I smiled.


"Kamusta ang unang araw mo, architect?"


Nagkislapan ang mga mata ni Lacey. Bigla ay naging hyper siyang bata na pinainom ng isang litrong kape. Hindi ko naman siya masisisi. This is her passion, this is what she loves. She always stands for what she adores at sana, ganoon din ako.


"Grabe, Justice! Ang sarap doon! Ang sarap ng feeling na finally, parang may purpose ka na. God is good, Justice. God is good...." Nakapikit si Lacey habang naging starfish sa kama. Natawa ako sa kanyang hitsura.


Dumilat ito at bigla naupo upang pagmasdan akong mabuti. Kinabahan akong bigla ngunit nagpeke ng ngiti.


"Andoon si Ishmael. Puta, kanya pala iyon..." Napamura pa ito. Dahan-dahan akong tumango kahit na pumipintig pa din ang puso ko. Naasar ako sa puso ko dahil nakaraan na nga ang taong iyon. Aren't hearts supposed to forget who scathed them best?


"G-gusto mo, uhmm, tanggihan ko na lang—-" Agad akong napatayo at umiling.


"Lacey! Hindi pwede, ano ka ba. Okay lang sakin. Its fine." Ngumiti ako habang winagawaygay ang mga kamay ko. Naningkit ang mga mata ni Lacey sa akin. Lumunok ako nang pumunta ito sa pwesto ko at niyakap ako.


"Alam mo namang ayaw kitang nasasaktan. Ang drama natin! Pero kasi 'diba nga, kapag bitter ka, mas bitter pa ang kaibigan mo sayo? Hayaan mo, papangitan ko iyong mansion niya." Iyon ang ikinatawa naming dalawa.


* * *


Gabing-gabi na at ngayon ko lang natapos ang tina-type kong bagong novel. About ito kay Bonifacio. Time flash back. Nagustuhan ko lang itong isulat kakaupload ko lang sa site ko. May iilang kumento kaagad akong natanggap kaya naman nabusog nanaman ang puso ko. Ang sarap basahin isa-isa.


Maya-maya ay parang dinudukwang ako ng facebook ko. Nasa unang tab iyon. Madaming messages at requests at sinusubukan kong sagutin lahat. Tumingin ako saglit kay Lacey na bagsak na bagsak ang katawan sa kama.


Pagkakataon ko na to.


Unti-unti ay kin-lick ko iyon at nagpuntang search bar. Pumipintig-pintig ang puso ko habang nagtatype. Malaki na kaya siya? Mahaba na ba ang buhok niya? Ilang ipin na ba ang mayroon siya? God, I'm so paranoid when it comes to her. Only to her.


Nakita ko kaagad ang official page ng lalawigan na ito. Kinlick ko ang bayan kung saan kami naroon ni Lacey. Unang palapag pa lang ng page ay muka na niya kaagad ang nakita ko. Ilang beses ko na bang nabasa ang pagmamahal sa muka ng lalaking ito noon? Ilang beses ko na bang nasaksiksikahan kung paano ito magbigay ng reaksyon tuwing kami ay mag-iisa?


There's no room for gentle tears. Tumakas silang lahat sa aking mga matang rumaragasa. Para silang bahuwi na ang hirap-hirap pigilan. Sunod-sunod kong bin-rowse ang mga litrato ni Ishmael at kung paano niya pinapaunlad ang bayan na ito.


Ganoon naman talaga si Ish. Lahat ng mahal niya, pinaglalaban niya at pinagbubuti niya. I was once the living proof of that. Once.


Pagkalipat ko ay may isang litratong nakakuha ng buo kong atensyon. Naroon si Ishmael na ngiting-ngiti sa camera. Ang background ay isang tipikal na bahay pangmayaman.


Lalong nagsipag-unahan ang mga luha ko na tingin ko ay wala nang sawa sa paglabas sa aking mga mata sa tuwing masisilayan ko si Ish. Wala silang kawala lalo na kapag pilit binabalik ng puso ko ang kung ano dapat ang nasa nakaraan na lamang. Damn, it hurts. Yes, it does.


"The mayor....spends his twenty eighth birthday.....with his...d-daughter." Lasang-lasa ko na ang alat ng aking mga luha at habang tinitignan ko ang kanilang litratong mag-ama ay wala akong nagawa kung hindi ay ang ialay sa kanila ang mga luha ko.


Ang mag-ama ko. Mag-ama ko...

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon