L: Protect

211K 3.2K 328
                                    

IKALIMAMPU

Maliit at pribado ang mga gusali sa skwelahan ni Justine. Nagsisilabasan ang mga estudyante mula roon. Lahat ay nakapulang uniporme kasama ang malaking pulang ribbon. Dinadagsa nila ang labasan na para bang hindi napapaso at nabubulag sa taas ng sikat ng araw kasabay ng mga alikabok.

"Iyon na po sila, Ma'am Justice." sabi ni Kuya Rolly.

Naghahalo ang pulang uniform ng school sa iba't ibang suot ng kani-kanilang maids. Sa mga dumadaan ay lumitaw si Yaya Bea at Justine.

Justine is on her pigtails for today. May white iyong ribbons sa dulo. Masaya sa pakiramdam dahil ako ang gumawa noon kanina bago siya umalis ng bahay.

As we waited, they got closer. Kumikintab ang singsing sa daliri ko. I drew my eyes back at Justine and then, to the ring resting on my finger. Both are so beautiful. Hindi ko pa namin nasasabi kay Justine ang tungkol dito. Would she be thankful or the opposite?

"Hi, baby!" bati ko nang bumukas ang pinto.

"Mommy! Anong ginagawa mo rito? What are you doing here?" Lumaki ang kaniyang mga mata at ngiti.

"Sinusundo ko 'yung baby ko. Have you seen my cute little baby?" nguso ko.

Iginaya ko sila sa loob ng sasakyan. Nang makapasok ay nanghingi ako ng bimpo kay Bea. I fixed Justine while she's rattling how her day went. Wala akong pinalampas na tanong.

"Kapag lumaki na po 'ko, I'm still your baby? Mommy?" She looked up at me.

Tinamaan nanaman ako. Tuwing titingala siya sa akin ay palagi akong pinapaalala. Of me and Ishmael, and Justine is all worth it.

"Yes. Of course! Bakit? Ayaw mo?" Sumimangot ako.

"No! I want! I want, I want!" Tumatalon-talon si Justine sa carseat.

These past few days that went were ecstatic for me. Justine was opening up. Unti-unti pero lahat ng piraso niya ay mahal na mahal ko. On the first days, napakatahimik niya at nahihiya. Maka-daddy pa rin. But as the days passed by, umingay nang muli ang mansion at maka-daddy pa rin siya but Ishmael himself doubts it.

"Susunduin din po natin si Daddy?" sabi ni Justine habang nakayakap sa akin.

I kissed her forehead and drew lazy circles on her arm. "Hmm. Busy si Daddy, e. But we'll call him later. Uuwi siya sa lunch. Is that okay, Justine?"

Pumarada na ang sasakyan sa harapan ng isang grocery store. Pumarada na rin ang sasakyan ng bodyguards sa tabi. As I've said, Ishmael is busy at the capitol. He's been busy with me and Justine these days, sabi ko ay gampanan naman niya 'yung tungkulin niya.

"Well...I'd rather do you first, Justice. On my desk. Rather than those papers." tugon niya kanina bago umalis.

"Okay po." kibit-balikat ni Justine.

Bumaling ako sa kaniya na pulang-pula ang pisngi. Nang bumaba kami ay may mga payong na kaagad at nakasunod na bodyguards. Justine seemed okay with it. Susubukin ko ang sarili kong masanay kahit na ang gusto ko lang ay simpleng buhay.

Justine wanted spaghetti. Pagkatapos namin mamili ay pinagbigyan ko ito sa gustong ice cream.

"Sana everyday ka pong susundo. Everyday ice cream, everyday spaghetti, everyday I have my mommy." sabi niya sa akin.

Napatigil ako sa pagpupunas ng kaniyang labi at uniform. I looked down at her smiling so innocently at me. Kinagat ko ang labi.

"I won't leave, Justine. I promise. Hindi ako mawawala." Nilinawan ko ang mga salita ko.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon