XLVII: Collect

206K 3.6K 261
                                    

IKAAPATNAPUTPITO

Hindi naiwasan ang mga tanong mula sa mga taong sumalubong kay Governor. Habang papunta sa table nina Ishmael ay maagap niya itong sinasagot kasama ng kanyang mapanlinlang na ngiti. Where am I supposed to go now?

"Just! Ano iyon..." Sumulpot si Lacey sa aking tabi. Sinundan niya ang tingin ko.

"That's Governor Cajucom!" singhap ko sa aking kaibigan.

I have to remind myself, not only the Governor of this damned place but also Ishmael's father and Justine's line of blood.

"Anong sinabi? What happened?" pabaling-baling na tingin ni Lacey.

Napailing ako sa aking kaibigan atsaka hinatak siya sa isang vacant na table. Um-order ako sa waiter ng mas marahas kaysa champagne at tila ba alangan pa siyang ibigay ito sa akin. Umikot ang mga mata ko.

"Sabi po kasi ni Sir Ishmael," yuko nito.

Kumunot ang noo ko at nagpakawala ng buntong hininga. Si Lacey ang nakipaggitgitan sa waiter kaya naibigay nito ang hinihingi ko.

"Hindi pwede iyang ganyan! Katagal mong inilaban tapos ay bibitiwan mo? Hindi gano'n!" asik niya nang mailahad ko ang saloobin ko.

My eyes searched for my daughter. Is Justine happy? Ngayong birthday niya? Hindi ba't ito ang iniyakan ko noon na sana ay maabot-abot ko naman?

"Hear me out, Lace..."

"Mali talaga, Justice. Maling-mali. Wala akong nakikitang katwiran mong tama." Napanguso si Lacey at umiling nang may ngisi.

Buti pa si Lacey ay may naiintindihan. I am the mother. I want only the best for her. At kapag sinubo ko sa kanya ang isyu na ito ay hindi ko na basta-basta pwedeng burahin pa sa kanyang sistema. I get in, I don't get to get out.

"Sagutin ko lang, Just." ani Lacey sa akin nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Sure!"

Tumayo siya at muli'y nasilayan ko ang dumagdag na numero sa kanyang bewang. Kumunot ang noo niya sa kausap habang naglalakad palayo. That rack is not Lacey's! Napanguso ako.

Napatingin akong muli kay Justine na in-entertain ang table nila. Her smiles were all innocent. Malalim ang kanyang dimples.

Marahang tikhim ng pigura ng likod ng aking upuan. "Ayaw mo sa table natin? You wanna be alone, Just?"

Tumingala ako sa umokupang Ishmael sa binakanteng upuan ni Lacey.

"Sinundo ko lang si Lacey! May kausap lang siya sa garden..." Nanlaki ang mga mata ko at hindi mag-abot ang kalabog ng dibdib.

Hindi niya ako pinansin. Umikot ang kanyang itim na mga mata sa laman ng aking baso nang dapuan iyon ng tingin. Kinagat ko ang labi.

"Waiter." Tinaas ni Ishmael ang kamay kasabay ng pagpitik nito. Agad na sininop ng waiter ang alak na naroon.

"I told them to not give your any alcohol! Huwag nang makulit!" Umiling si Ishmael sa akin.

"You can chill! I'm not getting myself drunk." dipense ko. Hindi naman kasi ako maglalasing. I just need to chase down the vein that kick starts my tension.

Ebidente pa rin ang pagkairita nito. But past Ishmael's soulful eyes, pinagmasdan ko si Justine na palasak ng kanilang table. Her eyes were shining and I can't believe that I am in here.

"You don't want to sit with me..." ani Ishmael sa nag-aakusang tono. May kunot sa kanyang noo.

Binaling ko kaagad ang tingin sa kanyang mukha. Long lashes, defined jaw and pure masculinity but ever the most intense and sharp eyes.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon