IKATATLUMPUTANIM
Malambot ang pagbagsak ng kanyang labi sa akin. Ang paggalaw nito ay walang katumbas. Kung gaano ito pumapantay sa akin ay hindi ko maisasaletra dahil kulang ang isang libong mga salita. How his soft lips crashed against mine could undeniably answer every prayer.
"Ma'am Justice? Narito na po ang order niyo." anang isang crew sa aking tabi.
Sumulyap ako ng isa kay Ishmael na kausap ang manager. Naniningkit ang kanyang mga mata at natatagis ng hangin ang buhok dahil sa lakas ng hangin.
"Thanks..." buntong hininga ko. Kinuha ko ang fresh buko juice na pinakuha ko pa sa palm trees kanina.
"You're welcome, ma'am!" Umalis na ang crew sa casa.
Sumulyap akong muli kay Ishmael at sa manager na ngayon ay may kung anong pinag-uusapan na kaugnay ang dagat. Napanguso ako. Umalis na rin akong terrace ng casa at saka pumasok sa loob upang tingnan kung nagising na ba si Justine.
She lays there on the white canopy bed. Maluwalhati ang pagkakasabog ng kanyang mahaba at kulot na buhok. Mukhang anghel ang anak ko. Nagpunta ako sa kanyang pwesto tapos ay humalik ng isa sa kanyang noo. Tinitigan ko siyang maigi bago nagpasyang bumaba na.
"Yes. Most probably!" Naabutan ko ang humahalakhak na Ishmael sa telepono. Swabe ang dating sa tenga ko.
Nagtama ang aming paningin. Huminto ako sa maliliit na mga baitang at nilaro ang dulo ng aking shorts na kanina lang ay siya ang nagtanggal. Kinagat ko ang labi. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit nakikipag-usap pa rin sa kanyang cellphone.
"Okay. Bye, Ma....." Nakabaling ang kanyang tingin sa akin. Binulsa niya ang phone tapos ay tinagilidan ako ng ulo. "Bakit? You want something?"
Lumunok naman ako ng matiwasay. Its his mom. Its his Mama, right? Umiling ako kaagad. One for Ishmael and one for myself.
"Wala naman...." sabi ko.
Sumilip ang kanyang leeg sa kanyang pagtango. "Okay. Pupunta tayo kila Mama mamaya once Justine wakes. You okay with that, Justice?" Nag-iwas siya ng tingin.
Pupunta kami sa kanyang Mama? Nakilala ko na dati ang Mama dahil minsan na niya akong pinakilala rito. Bitter memories flooded my mind. Nilunod ko silang lahat sa aking pagtango ng mabilis.
"Y-Yeah! Sure! Okay lang...." Ngumiti akong tipid.
Kumurap siya sa akin tapos ay tumango na rin. Binitiwan niya ang pagkakakrus ng mga braso kaya medyo nabanat ang kanyang suot na kulay abo'ng v-neck tee shirt. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok. Milenya ang inabot ng aming pagtititigan.
"Ishmael...." Kinawit ko ang buhok sa tenga.
Umikot ang kanyang mga mata bago lumapit kung saan ako nakatayo ngunit hindi umakyat ng baitang. Pantay na pantay lamang kami at hindi ko na kailangan pang tumingkayad. Inikot ko kaagad ang mga braso sa kanyang leeg.
His lips are moving in a fast way yet his soft lips took charge too. Patikim-tikim ang kanyang dila sa akin hangga't sa ito na ang nagmamaneho ng aming halik. Napapapikit ako sa kawalan ng naiisip. I felt his hands reaching for me. Umikot ito sa bewang ko at mas tinulak ako sa kanyang matigas at malapad na katawan. Daing ng aking mga labi ang kanyang pangalan.
Ramdam ko ang mabilis na paggala ng kanyang mga kamay mula sa aking dibdib pababa ng aking hita tapos ay binuhat ako. Wala akong pake. Pinasok ko na lamang ang aking dalawang palad sa kanyang tshirt habang dinadala niya ako sa likuran ng casa. Sa gilid ng aking mga mata, I saw the pool glimmered. Sinarado ni Ishmael ang pintuan tapos ay isinandal ako roon. Humigpit ang ikot ng aking mga hita sa kanyang bewang. Mas idiniin pa ni Ishmael lalo.