XLV: Invitation

222K 3.4K 105
                                    

IKAAPATNAAPUTLIMA

Pawis na pawis si Justine nang patakbong pumunta sa amin galing sa kanyang mga classmates. Binaling ko ang tingin sa pulutong ng mga nagkakagulong kanyang mga classmates na patingin-tingin sa amin na puno ng kyuryuso ang mga mata.

"Hey!" Malaking-malaki ang ngiti ni Justine at sobrang kislap ng mga mata. I saw pride in her eyes.

Napangiti ako sa kanya at kumaway din ng bahagya. Pakiramdam ko ay nililipad ako ng hangin sa kanyang ngiti. Pakiramdam ko ay sa dami ng tinaya ko sa lotto ay tumama rin ang isang tulad ko.

"Hey....po." Humalukipkip si Ishmael at sumandal sa pulang monoblock.

Napapatingin ako sa kanyang braso na hubog sa suot na itim na polo. Kinagat niya ang labi at tinapik ang hita. Agad na tumalon doon si Justine.

"Hey po!" halakhak niya sabay kiskis ng pawis sa polo ni Ish.

Higit pa sa arko ng bahag-hari ang ngiti ko. With its sparkling colors with harmony, I felt so alive and it felt so damn good. Parang pwede na akong mamatay dahil wala na ang mga bakal na nakatali sa akin.

"I stink now." Dinampot ni Ish ang hanky na inabot ko sa kanya mula sa bag na pinrepare ko kanina. 

Pinunasan niya muna si Justine atsaka sinapian sa likod. Seeing him do that makes me wonder, sanay na sanay na siguro siya sa pag-aalaga. Afterall, siya na simula ng mag-one year old ito. It amazes me and at the same time saddens me.

Nang bumaba nang muli si Justine para sa activity ay nahuhuli ko nanaman ang kanyang pagsulyap na pabalik sa amin ni Ishmael. Then, she'd wave her hand and laugh. Sumisingkit ang mga mata ko sa ginagagawang pag-ngiti.

"Pagod ka na?" Binuhat ni Ishmael ang kanyang monoblock at binagsak sa aking tabi. Humilig siya doon at tumagilid ang ulo sa akin.

"I can manage." Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin. 

Ang hirap niyang titigan tuwing magiging simple si Ishmael. Kaninang papasok pa lamang ay tila ba may santong dumating at kinamayan kaagad ito. Ever the model, Ishmael welcomed all greetings and questions. Hanggang ngayon ay marami pa ring nakamasid at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanilang katanungan tungkol sa akin.

"Just let them be, Justice." His deep breath snapped me out. 

Napabalik ako sa kanyang madidilim na mga mata. 

"I know, Ishmael. You do your job peacefully. I know." Ngumiti ako. 

"Pwede ko namang tawagan sila Rolly dito--" 

"No! Its okay, really. They're your people. You cannot just whisk them away." Pinagmasdan ko si Justine na malayang nakikisali sa mga activities. Maliksi ang galaw niya ngunit may ere ng katulad sa kanyang daddy.

"I don't get to whisk them away yet they get to whisk you away?"

"That's not what I meant! What I am saying is...hayaan mo munang mag-enjoy si Justine." That is all the we wanted, right? Hindi ko inaamin sa kanyang hindi ako kumportable sa tingin ng ibang dumalo sa Family Day.

Suminghap si Ishmael at binubunot na ang kanyang cellphone sa bulsa  ngunit kumunot ang kanyang noo. 

"Give it...." Nilahad niya ang bukas na palad.

Umiling ako. Kahit na kaunting numbers lang ang dinial ko sa kanyang phone para sa napagkasunduang simpleng birthday celebration ni Justine ay hindi ko pa rin ito sinasauli. I forgot? And besides, he needs to enjoy to at hindi tingin ng tingin sa kanyang cellphone.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon