LIV: They Can't Do This

170K 3K 339
                                    

Note: G ang middle initial ni Justine. Thank you.
* * * * *

IKALIMAMPUTAPAT

Bumagal ang oras at ang palitan ng mga bala ay hindi ko nadinig. Wala akong maramdaman na pagpintig na puso sa aking dibdib ngunit bukas ang dalawa kong mata sa lahat ng pangyayari.

Bumagsak si Ishmael sa sahig ng quadrangle. Kumalat ang pula sa kaniyang puting dress shirt hanggang sa buong dibdib na nito ay pula. Nakita ko ang pagpikit ng mga mata ni Ishmael.

"Ishmael!" Pumikit akong mariin at hinigit ang hiningang nanginginig. "Ishmael!"

Napakalakas ng iyak ko at sigaw. Bumuhos ang mga luha sa aking pisngi habang nagpatuloy ang mga barilan. Nasabunutan ko ang sarili at napatakip ng bibig. Hindi humihinto ang mga luha sa pagpatak at ang mga malalakas kong iyak. Napaluhod ako sa sahig at sa sobrang lakas ng hagulgol ako ay parang makakalas ang aking dibdib.

Ishmael was shot! He is down! He's bleeding to death! Nakita ko iyon ng aking dalawang matang dilat! Kitang kita ko kung papaanong kinait ng pula ang puti niyang suot. Ishmael is dying out there! Sa dibdib ang tama at nakita ko. 

"Ma'am Justice, sakay na!" Pinilit akong isakay ni Rolly sa loob ng sasakyan.

Takip ko ang bibig gamit ang dalawang kamay. Walang humpay ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. Mahigpit kong tinakpan ang bibig sa malalakas na paghikbi.

Sinarado ni Rolly ang aking pintuan at umikot sa driver's seat. Mabilis nitong pinasibad ang kotse. I can't help  but to look back! Mas lalo akong napahagulgol. I want to cry, break down so hard! Ishmael's inside! They could kill him! 

"What are you doing, Kuya Rolly? Stop the car! Daddy's still in there! Stop the car, please! Please, Kuya Rolly! Please!" Umiiyak si Justine sa likod.

Pinatama ko ang ulo sa headrest ng car seat. Pinigilan ko ang aking mga hikbi. Dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko ng walang tunog. Pinakingggan ko ang pagwawala ni Justine sa likod at pinipilit kong manahimik kahit na ayaw matanggal sa isipan ko ang pamamaril kay Ishmael kanina.

Pinunasan ko ang mga luha ngunit ayaw umurong. Pinilit kong ngumiti sa harapan ng anak ko. "Justine...listen to me, baby. Daddy is s-safe, he's safe! Nakasunod siya---"

"No! Liar! He's shot, mommy, I saw Daddy got shot! He's shot! Please, mommy, stop the car! Make the car stop, mommy!" Sasabog ang mukha ni Justine sa pagkapula. Veins appeared on her forehead and neck. Hilam na hilam ang mga mata nito sa luha, katulad ng akin. 

"Everything will be alright, Justine. I promise you---"

"Daddy's shot! He's shot! Please, turn the car around!" 

Bumabagsak na lamang ang mga luha ko sa pagmamakaawa ni Justine. I cannot say anything to her. Wala akong masabi. Nanginginig si Justine habang umiiyak. I saw fear in her innocent eyes, all for her daddy. Lalo akong napapaiyak sa pumipiyok na boses ni Justine sa loob ng sasakyan. Hinayaan kong bumagsak na lang ang mga luha dahil kahit pagbali baligtarin ko ang mundo ngayon ay wala akong magagawa. I cannot ease the heartbreak nor the trauma in her eyes because she too is a witness. 

Sinabi ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para kay Justine, pero sa pagkakataong ito ay bali ang pangakong iyon. Bumubuhos ang mga luha ko. That's all I can do. I am scared too.

"Sa habitat po tayo ni Gov, Ma'am Justice." Nagsalita si Rolly.

Pinaliwanag ni Rolly na ito ay pag-aari ni Governor Cajucom. Ito ang nagsisilbing base at barracks nila. Its the safest place.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon