XLVI: Rather Not

217K 3.5K 178
                                    

Alam ko sa sarili ko na ilang beses ko na itong itinatak sa utak ko. Na bawat salitang bibigsakin at ipapaintindi ko kay Justine ay dapat na magmumula sa puso tulad niyang mula sa akin at mula sa puso ko. I will light what has been kept in the dark in the most gentlest way. Dadahan-dahanan ko hanggang sa murang edad ay kaya na niyang tanggapin ang bawat inpormasyong ihahain ko. If she does not, then, I will accept. With a heavy and dying heart.

"Lace! Tagal mo! Saan ka na?" Tinakpan ko ang bibig ko habang papunta sa labas ng garden ng venue.

Ang akala ko ay simple ang gusto ni Ishmael kaya pumayag ako sa gusto niya. Hindi ko lang pala alam na ang depinisyon niya ng simple ay ganito. At sino ba naman ako para tumutol sa kanyang gusto? He wanted the best for Justine! And then that's what I want also.

"Ten minutes? Fifteen!" aniya sa phone.

Kumunot ang noo ko sa rehistrasyon ng mga katagang iyon. Pinilig ko ang ulo.

"Alright. You get here in fifteen at kung hindi ay magtatampo ako. Marami tayong pag-uusapan..." I need to take it this out on someone kahit nagi-guilty ako dahil puros si Lacey, si Lacey at si Lacey na lamang ang sumasalo sa mga hinanakit ko. But this time, its out of sheer joy!

"Birthday ko! Birthday ko! Birthday ko!" Malakas at matinis ang boses ni Justine kaya nagising ako.

Pabanda-banda ang kanyang boses sa mga haligi ng mansion, colouring it. She made this world enchanting and never plainly beautiful. Its always extraordinary, maximized and glittering. Gumuhit ang arko sa labi ko ngunit lumagabog ang puso sa kaba.

What am I gonna say to her? Shit! Ito na 'yon! The one thing I have been rooting for. Hindi ako pwedeng magkamali, hindi ako pwedeng maging mabilis. And I will be at my very best to let Justine swallow it bit by bit.

"Okay, Lacey. Bye! Take care!" Pinatay ko ang linya at binulsa ang cellphone. I was reminded of Ishmael's cellphone that I returned last night sa kanyang kwarto nang inaantok na ako ay wala pa siya roon.

Lumipat ako ng kwarto sa isang guest room. I don't know why. Siguro ay dahil doon kaya iniirap-irapan ako hanggang ngayon ni Ishmael. 

Inayos ko na lamang ang suot na simpleng puting button ups at denims. Hinawi ko ang buhok at kinawit sa isang tenga. The sun and clouds are perfect. Sana ay huwag umulan. Papasok na akong muli sa function hall ay tanaw ko na ang naglalakihang balloons at gilid na may tatak na kung anu-ano.

"Hello, Leigh!" bati ko sa batang maputi na natural ang sobrang pagkakulot ng buhok. Her skin is very white and fair kaya tuloy bagay sa kanya ang suot na pink and white polkadots na dress. 

"Hi po..." Pumula ang pisngi nito ngunit bahagyang ngumingiti sa akin.

"You are too cute, Leigh." Pinanggigilan ko siyang saglit tapos pinagmasdan na lamang ang kid's party na balak yatang hamunin ang Star City. 

"Mas maganda kaya itong dress ko." sabi noong isang batang naka-orange.

"Ako kaya!" tutol naman noong isang batang may malaking ribbon sa ulo.

Napailing na lang ako tapos ay dumiretso sa likod ng stage. Hindi pa ako nakakaakyat ay tanaw ko na ang mga classmates at kalaro ni Justine na ngayon ko lang rin makikilala. With their Yaya's at the back of course. Tapos, iilang mga relatives at close friends ni Ishmael tulad nina Gab, Harriet, Betty at Macoy.

"Ma'am Justice!" Sinalubong ako ng isang crew na narito rin sa backstage.

"Justice na lang po. Ano 'yon?" Nag-alok ako ng ngiti.

Dinuro naman nito ang likuran gamit ang hinlalaki. "Pinatatawag ka raw po ni Ma'am Justine."

"Oh! Okay, thanks!" Tumango ako sa crew at saka nagdiretso kung saan si Justine. Lumalagabog na ang puso ko. 

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon