XIV: The Daughter Speaks

248K 5.2K 355
                                    

IKALABINGAPAT


Nanlalaki ang mga mata ko habang pinanunuod si Ish,ae; na mabilisang kumabig patungong lababo at sumuka. Sabay ang tunog ng lagaslas ng tubig at kanyang paghihikahos.

Naglaban sa aking isipan kung tutulungan ko ba siya ngunit nanaig ang pagaalala. Bago pa ako makapikit ay hinahagod na ng mga kamay ko ang bumubwelong likod ni Ishmael.


Kanina pa ba siya lasing? That's why his eyes are bloodshot nang sunduin niya ako. Hindi ko na siguro napansin dahil na din sa matinding pag-aalala.


Bumwelo ulit ito at napapikit ako sa nadidinig ko.


"Bakit ka nanaman ba kasi umiinom ng maramihan?" Hindi ko napigilang hindi magkumento. "You're the mayor here. Stop acting like this...." Patuloy ang paghagod ko sa kanyang likod. Totoo naman. Dapat ay umayos siya ng asta dahil kung gaano kalaki ang respeto sa kanya ng mga tao rito, isang maling galaw lang sa paningin nila ay mawawasak ito ng purong-puro. Ganoon naman talaga ang sistema ng tao. They never notice the whites, instead, the single dot that marred it.


Namatay ang gripo at tinulak ako kaagad ni Ishmael paalis. Pinigilan ko ang pagsinghap at pagkabigla. Naningkit ang kanyang mga mata sa akin.


"Mind your own damn business and don't talk to me as if were civil. Wala pa 'kong nalilimutan. " Nag-igting ang kanyang panga, salubong ang kilay. Habang nagmamartsa siya paalis, tingin ko'y may sunog sa kanyang nilalakaran.


That's how he truly detests me.


Sa bathroom ni Justine ako nagpalit ng damit at pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita kong nakatayo na si Justine sa gitna ng silid. Nakapajama ulit siya, pero hindi katulad kanina na pawisan at may mga mantsa ng chocolate. Nakangiti siya, kahit basa ko ang pagod sa mga mata.


"Tara na, baby?" ngiti ko. Lumakad ako sa harapan niya at nilebelan ito.

"Yup! Tara na po." Ngumiti ito sa akin, atsaka umubo ulit. 

Nanlalambot ang pusong ngumiti ako kay Justine. Inayos ko saglit ang kanyang pj's tapos ay bumaba na.


Hawak kamay kami ni Justine na bumababa at lumulundag ang puso ko dahil hawak ko ang kamay ng anak ko. Malambot, sobrang kinis. Walang danas sa mahirap na buhay. Gustong-gusto ko na siyang yakapin ngunit pinipigilan ko lamang ang sarili.


Nang makababa na ay si Ishmael at mga bodyguard niya ang humarap sa akin. 'Di tulad kanina, pormadong suit na ang suot nitoat mukhang bagong shower. Blanko ang tingin niya pero sa kamay naming magkahawak ni Justine ay halos sunugin na niya ako.


"Let's go." taas-noo niyang sabi.


Humiwalay na sa akin si Justine at nagdiretso sa kanyang daddy. Nalungkot ako dahil hindi ko na siya ulit mahahawakan. Papasakay na akong kasunod na kotse nang bawalin ako ng driver at sinabing sa sasakyan ni Ishmael ako sumakay.


"Tita Justice! Lika na! Kandong mo 'ko!" mabilis na anyaya ni Justine.


The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon