Note: Hello! Almost one month no UD. Hehehe. Maraming salamat sa nagbasa, sa bumoto atsaka sa nagkumento. Appreciate ko po 'yon. May nakalagay po na editing at tapos na po ang malugod na pag-eedit ko. I suggest you read from the top dahil sa changes, pero kung ayaw niyo po ay pwede ring hindi. Read and enjoy all the way! Maraming salamat po.
-Khal ♥
================================================================================
IKADALAWAMPUTANIM
Napabalikwas kaagad ako sa kama. Taas-baba ang aking dibdib na para bang daig ko pa ang mga nakikipagkarera. Nilibot ko ang paningin upang makita na narito pa rin ako sa sariling kwarto, suot ang roba, at tinatakpak ang mataas na sikat ng araw sa bintana.
Napahawak ako sa noo at pinikit ang mga mata. Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak sa gitna.
"Shít...." Napasabunot ako sa buhok.
Habang masakit ang ulo ay naalala ang mga nangyari kagabi. All the booze, iyong kasayaw kong tumilapon, Harriet and all. Ang sakit sa ulo. At nang maalala ko ang huling nangyari....
"Not again, Justice." Napahawak ako sa batok.
Panaginip. Hindi nangyari. Panaginip. It was all in the head. Ang taas naman kasi ng tingin ko sa sarili, kitang halos itapon ako ni Ishmael sa kabilang panig ng mundo.
Mga ilang segundo pa para sa pumipintig na ulo ay tumayo na ako atsaka naligo dahil nanlalagkit ako sa pawis ko. Wala akong damit, ngunit may nakalahad na disenteng tshirt at pantalon sa cabinet. Tanging sila lamang ang damit kaya hindi na 'ko nagreklamo pa.
Kinawit ko ang buhok sa isang tenga habang pababa ng hagdanan. Mabilis ang tibok ng puso ko na pilit kong binabawal. Its useless, anyway.
"Go help yourself some brunch. May coffee d'yan..." anang boses sa gilid ko.
Namataan ko ang isang Ishmael na nagbabasa ng isang artikulo sa dyaryo habang lumilipad sa ere ang usok ng katabing kape. Dinig ko ang lagaslas ng mga alon sa labas, at ang tumatamang sinag ng araw sa kanyang buhok ay hindi na sana nakita pa. Tahimik si Ishmael, at pormadong-pormado sa abong dress shirt at slacks. Mayor na mayor ang dating.
"Hindi ba tayo babalik ng villa, Ishmael? Baka naghahanap na sila sa'tin do'n..." Napabasa ako sa pang-ibabang labi. Diretso pa pala ako magsalita.
Naalala ko rin ang iringan nila ng pinsang si Gab, kaya naman kung maaari ay ayoko nang palakihin pa ang gulo. Isa pa, si Harriet ay mag-aalala ng husto sa kanya. I'm no stealer, alam 'ko sa sarili ko 'yan.
"Nakapagpaalam na 'ko sa kanila through phone call last night, Justice. Besides, its twelve noon. Nasa ere na siguro sila pabalik." Nilipat niya ang pahina ng binaba, tapos ay hindi man lang ako nililingon.
Tumango-tango ako, nawawalan ng sasabihin.
"Pati si Gab ay babalik? Okay lang ba kay Harriet...." Kinagat ko ang labi.
"Gab will do business back at home, so sinabay na kay Harriet. Don't worry, I'm pretty sure my cousin wouldn't mine travelling with him." Uminom siya ng kape at saka nagkibit-balikat.
Nalaglag ang panga ko. Ganoon na lamang ang pag-urong ng sikmura ko sa kanyang sinabi. Para akong nauubusan ng hininga, ngunit sa parehong pagkakataon ay gustong iuntog ang sarili sa pader.
"P-Pinsan mo rin si Harriet?" pag-uulit ko.
Binaba niya ang dyaryo atsaka pa lamang ako tinitigan. Salubong na ang kanyang kilay at umaapaw nanaman ang awrang maawtoridad.