XLIX: Delicate Gold

206K 3.8K 335
                                    

Warning: 18+
* * * *

IKAAPATNAPUTSIYAM

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang saya. My prayers were answered. Nanalo ako sa lahat-lahat. I am very much thankful.

Ayaw akong pawalan ni Justine kalaunan. Nag-ice cream muna kaming tatlo.

"Mommy..." malambing niyang tawag sa akin.

Kuminang ang mga mata ko. Mommy!

"Yes, baby?" Sobrang laki ng aking ngiti.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakamasid lamang si Ishmael sa akin. Sinulyapan ko ito. Kinagat ko ang labi at hindi namalayang mas lalo pang lumaki ang aking ngiti.

"Wala po..." Umiling si Justine at ngumiting tipid. Her cheeks reddened.

Namungay ang aking mga mata. Sa mga paunti-unti niyang sulyap na tila ba nahihiya pa ay nananaba ang puso ko. She's much more comfortable when I'm her Tita Justice. Ngayon ay nag-aalala pa siyang may maling gawin na hindi ko gusto.

"Ikaw ang gift ni Daddy, ano? Mommy?" aniya.

Kinagat ko ang labi at binalingan si Ishmael. Iniwas niya ang tingin sa akin. Napanguso akong hindi alam ang sasabihin.

"Yes..." tipid na sagot ni Ishmael.

Nag-init ang puso ko sa kanyang sagot. Malalim siyang mag-isip at halos hindi ginagalaw ang icecream. Nang ibaling ang tingin sa akin ay halos malusaw ako.

"Oh..." Ngumisi si Justine at nanahimik na.

Wala na akong narinig na rumerepekeng boses ni Justine. She's calm tonight, but she hugs me often. Madalas siyang magsabi ng 'I love you'. Her eyelids finally closed whilst hugging me.

"Nagpaluto ako ng late dinner..." Tinatahak namin ni Ishmael ang daan paitaas.

Nakatingin ako sa kaniyang kamay na marahang nilalaro ang akin habang hinila ako nito.

"Hmm. Maybe, later." tipid kong sagot.

Chandelier from above really suited his eyes for the light danced in his black ones. Masarap iyong tingnan. Tumango si Ishmael at naglakad nanaman.

Napapaawang ang aking labi. His tight and strained muscles were visible on his back. He's firmly and strongly built and its already a sin. Tayo at tindig pa lamang ng likod ay walang patawad. Pinagtuonan ng pansin ng maigi si Ishmael nang siya ay gawin at hulmahin ng nasa itaas. Ilegal ito.

Kinagat ko ang labi nang tumigil sa paglalakad si Ishmael at hinarap ako.

May hinanap ang kaniyang tingin sa aking mukha na nakakapanginig. Iba ang kaniyang paraan ng pagtingin.

"You seemed...tense." Kinagat niya ang labi.

Tumanaw ako sa ibaba dahil narito kami sa second floor. Umiling ako at tinangala si Ishmael. Ang kaniyang labi ang aking dinatnan ng tingin.

"Ayos lang ako. I'm just..." paghahanap ko sa tamang salita.

Hilong-hilo ako sa titig ni Ishmael. Pumere ang kaniyang isang kamay at lumapat sa aking pisngi. Dahan-dahang tumawid ang kaniyang labi papunta sa akin.

Naglakbay ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib pataas sa aking leeg upang ikawit mga ito. Nanlalambot ako sa marahan at mabagal na halik.

"Are you happy, Just?" mahina niyang bulong at mariin nanaman akong pinakatitigan. Kinagat ko ang labi. "You are..."

Pumikit ako at tumango. Nanunuya ang ngiti sa aking labi. Nawala iyon nang muling lumapat ang labi ni Ishmael sa akin.

His hands grasped my sides. Paatras na kami sa balustrade. Kinalas ko ang kaniyang tie at hinayaang malaglag ito patungo sa ibaba.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon