IKADALAWAMPUTLIMA
Daig pa ni Justine ang mga poste ng kuryente. Para siyang sinaksakan ng bolta-boltaheng elektrisidad habang naglilibot kami. We had light snacks first sa cafe. Nang bayaran ko ang counter ay sinabing naka-charge na raw kay Ishmael. Tumango na lang nga ako.
We played air-hockey, foosball, and some darts. Bakante karamihan dahil bihira ang mga tao at may pasok. Naaaliw akong kasama siya dahil kung anu-anong sinasabi. She's so hyper! Sobrang daldal. I know I'm gonna miss her and the thought saddens me. After one hour, pinagbigyan ko na si Justine na gustong-gusto nang tumalbog sa pool. Well, she's used having fun by herself at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil doon.
"Kuya, swimming tayo." Nilapitan ni Justine ang isa sa mga boydguard na nakahilera sa gilid ng pool ngunit nakatalikod.
Sigurado akong si Ishmael ang may kagagawan n'yan. I just sighed. Umupo ako sa isang sun lounger. The view is really freaking great! I cannot distinct where the pool ends and where the sea starts. I bet its even beautiful when the sun's setting.
"Salamat po, Ma'am Justine." tipid na sabi naman ng bodyguard.
"Hala, si kuya pakipot pa kamo!" Humagikgik si Justine at pilit na tinutulak 'yung bodyguard sa pool. Wala naman itong magawa. Naawa ako. I told Justine to come close para maka-swimming na.
I braided her long hair first. Tapos ay tinanggalan ko na siya ng kanyang cover up at ini-spray-an ng sunscreen. Kinabitan ko rin siya ng vest saka inabot na ang kanyang goggles at snorkel. There's this fuzzy feeling again that I welcomed.
"Dala mo po na 'yung waterproof na cam?" sabi ko habang inaayos siya.
Binunot niya kaagad ang camerang sakto lamang sa kanyang mga kamay. "All set!"
Ngumiti naman ako. She looked so cute! Gusto ko sana siyang i-kiss pero may sunscreen na ang kanyang mukha. I just tapped her nose. "Okay! Sige na, swimming ka na."
Bumaba si Justine sa kiddie pool na karugtong lang din ng pang adult. Anyway, may division naman at. Mababaw rin saka may life jacket siya. I lie down unto one of the sun loungers at binaba ang aviators. I kept my eyes on Justine.
"Good afternoon po. Ma'am Justice?" May isang crew na lumapit sa'kin matapos ng iilang minutos.
Tinaas ko ang shades. "Yes?"
Sumulyap akong saglit kay Justine na nakikipag-usap sa isang batang anak yata ng crew doon. I let her.
"Pinadala po ni Sir Ishmael." Iniabot nito ang isang maliit na floral box. Ngumiti naman sa'kina ng crew. "Sige po, Ma'am Justice. Hope you enjoy your stay!"
I watched the crew retreat. Kyuryusidad ang bumalot sa aking sistema, at the same time another fuzzy feeling in the depths of my stomach.
"Hindi! Papahiramin kita ng vest ko! Friends tayo ha?" Naulinigan ko si Justine.
Binalik ko ang tingin sa maliit na floral box. May sticky note doon. Justice. It was written by an angel. Maganda talaga ang sulat kamay ni Ishmael. I opened it and saw a black journal and a sign pen sitting in there. I stared at it for a moment. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Mommy! Ay! Tita Justice!" pagkuha ni Justine sa atensyon ko. Nagpeace sign niya tapos ay napapatingin sa hawak ko.
"Its okay, baby...." Bumaba ang mga balikat ko habang tamad na ngumiti sa kanya.
"What's that? Is that from daddy?" sabi niya kaagad nang makita ang sticky note na naka-attach. Tumango ako. Ininspekto niya pa 'yon ngunit nang makitang wala siyang mapagkaka-interesan ay ako naman ang binusisi niya.