IKALABINGLIMA
"Justice. Justine. Justine. Justice." Paulit-ulit ang sinasabi ni Justine nang mahawakan niya ang kanyang medical certificate at ang wallet ko.
Pumunta ako sa pwesto niya na nanlalaki ang mga mata.
"P-Patingin nga?" Tagilid ang aking ngiti. Binigay naman iyon kaagad ni Justine at mabilis na nagtalukbong ng kumot.
Tumingin ako saglit kay Ishmael na nasa gilid at nagla-laptop. Nagtaas ito ng kilay. Hindi ako nagsalita. Humini lang ang aircon.
Huminga akong malalim at nagintay ng oras. Ganoon ang naging takbo ng mga sumunod na araw pati nang lumabas na din si Justine sa ospital. Salamat naman. Magtatanguan, magtataasan ng kilay at magiging sapilitang sibil dahil nakaharap si Justine. Maayos na rin, dahil naalagaan ko ang anak ko.
Mabait naman si Justine. Madaldal, at sobrang bibo. Ngunit dahil sa pagiging isang anak, at sa parenting ni Ishmael, may kaunti siyang hangin atsaka kailangan lituhin para pumayag kapag hindi natupad ang gusto. Hindi ko nga alam kung nasa genes ba, o nasa environment pero kahit ganoon, mahal na mahal ko pa rin si Justine.
Minsang nakaupo ito sa harapan ng flat screen ay nagpakuha ng remote. Nasa harapan ko ang remote at sinikop ko iyon ngunit sinikop din ng kamay ni Ishmael. Namula ang pisngi ko at hiniyaang siya na lang ang nagbigay.
Masayang-masaya dahil naalagaan ko ang anak ko. HIndi ko alam kung may masasabi pa ba ako nitong mga araw. A breather. A two day heaven. I wouldn't consider her incident a blessing but a disguise. Nakikita ko kung papaano tumatakbo ang araw ng anak ko na sana ay bago pa siya nagkaisip ay nagawa ko na.
Kinagabihan ay naisip kong mangamusta kay Lacey.
"Hello, Lacey?" Inilipat ko ang cellphone sa kabilang tenga. Kumikindat sa akin ang mga bituin.
"Ay! Justice, napatawag ka! Akala ko namatay ka na. Bakit 'di ka pa namatay? Ay este, bakit ngayon ka lang napatawag?" gulat ang boses nito.
"Lacey naman...." aniko. Humalakhak si Lacey.
Kung anu-anong tinatanong ko sa kanya, at siya sa akin hangga't sa dumako na rito ang usapan.
"Si Justice, okay na ba ang inaanak ko? Nagkalagnat raw." Ginigiit niya na siya ang ninang at hindi naman ako makapalag.
Tumango ako sa ere. "Oo. Okay na. Nakalabas na kami kanina saka pula na ulit ang pisngi ng anak ko."
Bumukas ang ilaw sa pinakataas na kwarto ng mansion. Napakunot ako ng noo ngunit nagkibitbalikat. Hinahangin ang buhok ko sa madilim na gabi. Maga-alasonse na yata kaya nakapantulog ako.
"That's good. E, kayo? Okay na ba kayo ni Mayor? Hindi ka na ba uuwi at talagang iiwan mo na ako?" Umismid ang boses niya. Natawa ako ngunit namatay din.
Naalala ko si Ish nitong mga nakaraang araw. "Hindi ko alam, Lace. Minsan okay, minsan hindi. Pero hindi naman ako nanghihingi ng kahit katiting na oras sa kanya. Hindi naman si Ishmael ang punterya ko dito kung hindi si Justine..." Humina ang boses ko sa pagkakaalala.