XXXIII: You Don't Just

244K 4.2K 319
                                    

IKATATLUMPUTTATLO

Hindi na nabuksan ang usapang nagpatindig ng balahibo ko kanina. Ishmael made sure of it, I'm sure. Mapait sa dibdib. The next few hours consisted of me helping Justine pack for this so called vacation, habang si Ishmael naman ay bumalik na sa kanyang trabaho.

"Pack for five days, Justice. Tinawagan ako kanina 'nung teacher niya. Wala raw pasok ng three days, some achievement tests plus the holiday." iritado pahayag nito nang tumawag sa cellphone.

"Okay...." sabi ko.

Naputol na ang linya. Sumulyap akong saglit sa gabundok na mga damit kung saan naroroon si Justine. Padampi-dampi ang aking mga kuko sa lamesa. I get that its going to be a long vacation. But seriously, the teacher must be so caring for Justine that she called the mayor's hotline. And then, this mayor, answered it.

"Tita Justice, what is a g-string?" Binulabog kaagad ako ng sigaw ni Justine.

Pinilig ko ang ulo sa naiisip. 

"Stop snooping around daddy's souvenirs, Justine!" Nangati ang ideya sa'king utak. Hindi 'ko 'yon sinabi, imbes, pinaliwanag na ang malaswang tela ay kasangkapan pangluto.

Matapos magpack ng mga damit ni Justine ay niyaya ko siya sa library upang doon magbrowse ng previous lessons, saka gumawa na rin ng mga assignments. She answered it all clean even without my help! God, she's so gifted. Noong bata ako ay wala naman akong ganyang talento. Hmm, maybe Ishmael's side of course.

"Malapit na pala 'yung exams mo, baby...." Chineck ko ang kanyang reminder notebook. Inilingan ko ang pirma ng kanyang sobrang caring na teacher.

"Yup! Two weeks from now po." sabi niya.

Tumango ako. Binunot ko ang kanyang language textbook. "Justine, how many syllables are in the word antelope?" 

I know, she doesn't know that animal. Inilihis ko saglit ang textbook upang pagmasdan siya.

"Antelope. An-te-lope. Antelope. Three." Iba-iba ang galaw ng kanyang mga daliri sa nilalarong laste.

Pinigilan ko ang pagnganga. Tumikhim na lamang ako and then I asked her who created Facebook. Nakahinga akong malalim nang hindi ito sumagot. Kumurap lamang siya sa'kin, tapos ay binalik ang atensyon sa nilalarong rubberband.

Matapos noon, pinayagan ko na siyang manuod ng cartoons. I bet she could pass the exam without even reviewing. Nagpaalam ako sa kanyang may pupuntahan lamang. Tinakasan ko ang mga maid at guards. Nag-taxi na lamang ako papunta sa apartment namin nina Lacey.

"Lacey!" bungad ko sa kanya nang makarating ako. Its seven, malamang ay nakauwi na.

"What the hell, Justice? Pasulpot-sulpot lang? 'Di uso ang text?" sabi niya, ngunit pinalaki rin ang bukasan ng pintuan.

Sagot ako ni Lacey nang sinabi kong aalis kami mamaya o kinabukasan. Ang mga natira kong damit, halo ng kanya ay siyang inempake niya. Ang uligaga niya! She's too giddy for her own good.

"Gagawa kayong bunso ha?" Ini-stretch niya ang kulay pink na two piece.

My eyes rolled heavenwards. Ini-snatch ko 'yon sa kanya at tinapon sa kung saan. Tumayo naman siya at nilagay iyong muli sa tinatambakan naming mga damit.

"Essential 'to, 'no ka ba! Maraming beach 'don, Justice. Ano ka, pants at sweater?" Inilingan niya ako tapos ay pinagsasaksak ang mga short shorts, cover ups, maillot at kung anu-ano pa. 

Matapos, kaunting kwentuhan lamang ang aming pinagsaluhan dahil ay  kailangan kong bumalik ng mansion, dahil baka mamaya ay magpuputak nanaman 'yung mahal nilang Ser doon. Kinamusta ko lamang ang lovelife niyang mas matuwid pa sa LRT ngunit mas traffic pa sa EDSA. Nagthank-you na lamang ako tapos ay nagtaxi na pabalik.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon