XXVIII: Arrangements?

238K 4.5K 140
                                    

IKADALAWAMPUTWALO

Ayokong mag-abot kami ni Ishmael sa kwarto ni Justine, kaya naman naisipan kong bumaba na rin upang makapag-ayos ng gamit. Isa pa, tatawagan ko rin si Lacey para masabihan na narito ako. Magugulat iyon, panigurado at aasarin nanaman ako kung bakit ako narito.

"Kung anak nina Mam at Ser si Justine, bakit ay ngayon lamang magpapakita? Hindi naman ba yata mukhang kalokohan iyang iniisip mo, Dina?" 

"Basta kamukha ni Miss Justine si Ma'am Justice. Kita mo 'yung labi saka 'yung ngiti? Parehang tisay pa."

"Bahala ka sa chismis mo, Dina. 'Pag nadinig ka ni Ser Ishmael, hindi lang sisante abot mo."

Naging marahan ang mga yapak ko, hangga't sa tila ba ere ang nilalakaran ko. Nadirinig ko pa rin ang mga pigil na mga boses. Numinipis ang labi ko habang pinakikinggan ang bawat tanong sa kanilang mga isipan.

"Pangalan pa lang, Igna, naro'n na ang pruweba. Hindi ka ba nagtataka kung bakit walang nanay 'yang alaga mo? Saka, naparito na si Ma'am Justine dati. Nag-aaway yata sila ni Ser."

"Tigilan mo nga ako, Dina! Mahal ko pa pamilya ko, para lang mawalan ng trabaho't mawalan ng ipadadala sa kanila. Marami pa 'kong platong lalamanan."

Ang kanilang pagtatalo ang siyang nakakapagpapirmis ng aking tingin sa nilalakaran. Pilit silang nagbibigay ng puntos sa paksa ng chismis: Justine patungkol sa akin. It was rude. Hindi ba dapat ay sariling buhay ang pinakikielamanan at hindi ang kung sino-sino? Masyado yatang bida ang buhay naming mag-ina para maging palasak sa kanilang mga dila. Nevertheless, its the truth.

"Justice." Nagmula si Ishmael at Rolly sa daan ng kusina.

"Bakit?" Kalkulado ang aking boses. Napado ang tingin ko sa nilapag ni Rolly'ng mga paper bags na sa brand pa lamang ay nalulula na 'ko.

"Sasama ka sa'min ni Justine mamaya sa pageant. You'll wear that. Change now." Tumango si Ishmael sa mga dala.

Napakurap ako.

Sasama ako sa pinag-uusapan nilang pageant? Ako? I'll be joining them? Kinalawang ang utak sa pagkain ng mga inpormasyong nakalahad. Isang bagay na hindi ko maintindihan, gayong simple nga lang naman.

"Rolly, paki-dala na 'yan sa kwarto ni Justice. Thanks." Tinanguan ni Ishmael si Rolly. Sumunod naman ito, tapos ay nagmartsa paalis. Naiwan ako kay Ishmael na kaya ako bumaba rito ay para iwasan siya.

"You'll be joining us. Hanggang seven lang naman dahil may school si Justine bukas." pag-uulit niya nang hindi ako sumagot.

Sinapak ko ang sarili at pinuwersang tumino ang utak.

"Can.....Can we talk, Ishmael?" Lumunok ako at bumuntong hininga. "Please?"

Simula nang nilaglag niya sa'kin na lilipad kami pabalik dito ay iyon na ang gusto kong malaman. Its substantial, yes. At kailangan kong madinig at makita na lumabas iyon mismo kay Ishmael at kay Ishmael lamang. But aside from that, there's still this big question mark nagging.

Naningkit ang mga mata sa'kin ni Ishmael, bago tumaas ang kanyang noo at tumango. Naglakad na ito paalis at kagat-kagat ko ang labi habang sinusundan ang kanyang matayog na likod.

"Ser, magandang gabi po." anang mga nasalubong naming maids na halos maglaway na.

Kumunot ang noo ko nang maulinigan ang mga nadidinig na boses, ngunit pilit na kinalma ang sarili. Maybe in the right sense, its a sign.

"Good evening." tipid na sagot ni Ishmael. 

Nang marating namin ang kanyang kwarto ay medyo umurong naman ang dila ko dahil una sa lahat ay ayokong maipit sa parehong kwarto kasama si Ishmael. Sumikip ang dibdib ko, lalo na ng tinaasan niya 'ko ng kilay bilang hamon dahil ako naman ang nakiusap na kausapin siya. Ayokong sabihin na sa office na lamang niya dahil nahihiya naman ako, kaya sumunod na lamang ako.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon