Pagkatapos akong ihatid ni Gendry sa apartment ay umalis na rin ito.
Gaya ng sinabi ng doktora, hindi muna ako gumawa ng kahit anong bagay. Nagpaalam ako sa trabaho na absent ako sa araw na ito.
Kinabukasan, nagising ako sa atake ng morning sickness. Umaahon ang luha sa aking mga mata dahil sa pait na aking inilalabas o hindi kaya ay sa realisasyong mag-isa ako.
Nagmumog ako ng bibig. Nagpunas ako ng mukha at pinakatitigan ang sarili sa maliit na salamin ng banyo ng apartment na ito.
Kaya ko ito. This should be easy. No questions. Ang laki na ng nalampasan ko rito! Marami akong palapag na inakyat, kahit na sugat-sugat na ako ay narito ako ngayon, sa naabot ko. I shoulder be tougher now, I can do this.
"Kamusta ka na, Justice?" Tinanong ako ng isa kong concerned na katrabaho.
"Ah, okay na. Salamat." Tumango ako at ngumiti.
Tumango rin ito. "Sige..."
Sinunod ko lahat ng sinabi ng doktora, aniya ay para sa ikabubuti namin ng baby ko. Hindi ko kinain ang bawal at umiinom ako ng vitamins. Hindi ako nagpagod ng husto sa mga lumilipas na araw.
"Justice...may naghahanap sa'yo..." Isang araw ay nilapitan ako ni Arglen, katrabaho ko.
"Okay, thanks." Dinala ko ang hawak na bread tutal naman ay break namin at pwede kong i-entertain si Gendry.
"Nagdala ako ng favorite mo. Just how you want it!" aniya.
Mas bumibilog ang malalaking mga mata ni Gendry habang pinapakita sa akin ang mga binili. May nasilip akong yogurt at silvanas.
"Salamat, Gendry. Nag-abala ka pa..." Kinagat ko ang labi at tinanggap ang inabot nito.
Sa labas, sa mga bench kami kumain. Niyaya ko si Gendry dahil siya lahat ang bumili. Ilang araw na rin niyang ginagawa sa akin ito. Kung minsan ay umaga pa lang ay nasa apartment ko na dahil busy na raw sa buong araw. Nakakahiya na.
"Nagutom ka? Baka naman nagpapagod ka nanaman, Justice. Bawal iyan, 'di ba?" tanong nito.
Tinungga ko ang yogurt. Nahihilig ako rito pati na rin sa condensada. Palagi namang binibili ni Gendry.
"Hindi..." sagot ko.
Naging ganoon ang set up ng mga linggo ko. Dumadalaw pa rin naman ako kina Auntie Mabel. Minsang sumweldo ako ay niyaya ko sila mag-picnic. Regular na rin ang check up ko at puros si Gendry ang kasama ko.
Lumabas ako ng clinic at dinatnan si Gendry na nakasandal sa sasakyan nito, bagay ang nagdidilim na langit sa kulay gray nitong polong suot.
"Ano na, Justice? Let's go?" Umayos ito ng pagkakatayo.
The wind swept his untamed black hair. Ngumiti ako rito at tumango.
Pinatunog ni Gendry ang sasakyan bago binuksan ang passenger's seat. Sumenyas na ito.
"Dahan-dahan..." Umalalay ang mga kamay nito sa akin habang papasok ako.
Napahinto ako sa paggalaw pero mabilis din akong naka-recover. Nang makaupo na ay napatitig na lang ako kay Gendry. Umiling ito sa sarili at binagsak ang pinto. Umikot ito patungong driver's seat na nakanguso.
Sa condo ni Gendry ang aming tuloy. Nakita ko kaagad ang isang babaeng kumulot at humaba ang buhok na nakaupo sa sofa ng condo ni Gendry.
"What is this?! You bitch!" hysterical si Diana, napatayo.
"Diana!" apila ni Gendry.
Pabalik-balik ang tingin ng kadarating na Diana sa akin at sa kapatid nito. Nag-walk out ito pagkatapos dumada.