XXIV: Bacardi, Martini & Jack Daniels

234K 4.3K 177
                                    

IKADALAWAMPUTAPAT

Nabalik kaming villa na para bang walang nangyari. I'm sure Ishmael just did it, dahil kasama niya ako. He probably thought I was going to kill myself out of desperation, and that just hurt more. Wala naman talaga siyang paki. We never got that closure, ngunit siya, he's moved on. Happy, even.

"I'm full and I wanna swim. But I have better ideas." Magkatabing nakaupo si Ishmael at Harriet, at ang mga paa nito ay nakastretch-out sa hita ng isa.

Batid ko ang blankong tingin sa akin si Ishmael, kaya iniwasan ko na lang.

"I dunno. I don't like your plans." ani Gab sa aking tabi naman.

"'Di 'wag kang sumama! Happy three friends na lang kami. Right, Just?" Kumikislap ang inosenteng mga mata ni Harriet sa akin.

Ang bawat pilit na ngiti ay katumbas ng mga sampal. "Bahala ka, Harriet...."

"See? Happy three friends kami! There is this club nearby and this night could be the greatest night of our lives. Right, guys?" Humalakhak siya, her hair free in the wind.

"I don't think so, Harrie. Gabi na..."

"Stop being too KJ, Ish! The night is still young, you're too old na kamo."

"I'm not old, you're just childish."

Napapatingin na lang talaga ako sa buhanginan habang nagtatalo sila. Wala naman akong sasabihin. I don't feel like talking. Wala akong pake kung may pares ng matang pilit kong binabasa. Gusto ko na lamang ay malunod para mawala 'tong napakabigat sa dibdib ko.

Hindi ko namalayan ay inaalalayan na pala ako ni Gab sa sasakyan dahil nanalo si Harriet na magpunta kaming club.

"You okay, Just?" Kahit sa gabi ay kita pa rin ang umiilaw na ngipin ni Gab.

Ngumiti ako para sa kanya tapos ay sumakay na.

Hindi ko alam kung ayos lang 'tong suot kong tshirt at shorts, ngunit ang sabi ni Harriet ay beach club naman daw 'yon. Basta pangbeach ay pwede na, o kaya dahil may bikini ako sa loob ay tanggalin ko na lang ang tshirt ko para mas appropriate.

"I have to admit, Harrie has a good taste." Napanguso si Gab habang pinagmamasdan ang labas pa lamang ng club.

Bumaba na kami. Bago nanuot ang dagundong ng club ay malayo pa lang, ang mga neon lights na nito ang aking nakikita. Pati ang mga taong labas masok sa lugar ay may kanya-kanyang neon na suot. Shades, kwintas, inumin, atsaka may mga lobo ding umiilaw. May event yata kaya maraming tao.

"Justice! Palagay tayo no'n!" anang Harriet na lumapit. Hinila niya ako kaagad sa palagyanan ng henna ngunit umiilaw sa balat. Bumili siya ng bracelet na kapag binali ay umiilaw saka pati 'nung lobo. Wala akong nagawa kung hindi ang makisabay sa kanya.

"Not too wild, Harriet!" dinig kong bawal sa kanya ni Ishmael, ngunit parang wala siyang nadinig.

She dragged me everywhere. Hindi open, ngunit ramdam ko ang buhangin sa paa namin. Napupuno ng usok ang pang-amoy ko atsaka parang matamis na alak. Walang binatbat ang nagwawalang alon sa labas sa patugtog ng dj sa itaas, kasama ng mga babaeng nakabikini lamang.

Pinagmasdan ko ang dumadagundong na club. Halos mahilo ako sa dami ng tao, panay ang sayaw at mga galaw na hindi ko makuha dahil laser ang nagsisilbing ilaw. Pati at nangagkalat ang mga neon kung hindi ay mas mahihilo pa ako sa dilim.

"Justice!" Hiniklat ako ulit ni Harriet tapos ay umupo sa bar. May dalawa'ng shot doon na parang umiilaw ngunit napagtanto kong apoy pala.

"Shot, Just!" aniya atsaka hinipan ang isa, tapos ininom kaagad. Wala akong nagawa kung hindi ang gayahin siya. Muntik ko pang mabitiwan ang baso nang dumampi sa labi ko. Ang init!

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon