IKAAPAT
Dumiretso ako sa kalapit na mall upang magtingin na din ng mga nobelang karereleased pa lamang. Madalas ako sa National Bookstore nagiikot. Dito na rin ako nagpalipas ng oras dahil parang ayaw gumana ng utak ko ngayon. May ilang nagpapicture sa akin at iyon ang labis na ikinatuwa ko.
Bandang hapon na nang ginusto kong magpuntang park na madalas naming daanan. Malaki ito ngunit madalang lang ang tao. May iilan nga batang naglalaro, some couples doing sweet nothings, anything that you can do in a public park.
Humangin at inipit ko ang aking buhok sa tenga. Hinawakan ko din ang aking dress. Pinanunuod ko lamang ang isang matandang pinapakain ang mga bibe sa kalapit na lawa. Pilit kong tinatanggal sa aking utak ang pakiramdam ng tingin ni Ish kanina sa aking likuran. How his face was molded into something dangerous.
Ganoong-ganoon siya tumitig sa akin tuwing ginagawa namin iyon.
Parang pinaparamdam niyang mahal na mahal niya ako. Na kahit ang isang haring tulad niya ay kayang sumamba sa isang tulad ko. Walang pumapantay kay Ish, kahit hanggang ngayon. Wala silang binatbat pero alam kong dapat ay huwag na akong umasa dahil wala itong patutunguhan. The person who just despises more than anything just can't, so better stop those inhibitions.
"Hindi siya ampon, Angelina!" Isang matinis na timig ang pumukaw sa atensyon ko.
Nakakita ako ng mga batang naglalaro sa playground. Mukang natigil na ang kanilang paglalaro at ngayon, they're engaged with a heated discussion. Kumalabog ang puso ko.
"Ampon siya, Justine. Kaya kung ako sa'yo, hindi na namin siya kabati! Wala siyang mama at papa!"
Ang pasimpleng pagkunot noo ng anak ko ng anak ko ay sobra pa sa pakiramdam nang parang nanalo. Nasa kalapit lang siya at pupwedeng hawakan. And by God, she's perfect.
"No! Sabi ni Daddy, lahat ng tao ay may worth. Ako din wala akong mama, pero mahal ko pa din siya," malambing niyang paliwanag. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.
"E kasi nga, ampon ka din! Pinulot ka lang sa tae ng kalabaw! Kaya—-"
Humarang ang isang lalaking mukang bodyguard ni Justine kay Angelina. May sinabi ito sa mga bata at agad na dinala si Justine sa kotse. Wala akong nagawa kung hindi sundan iyon ng tingin.
Kagat-kagat ko ang labi ko habang unti-unting tumutulo ang luha ko. Ang laki-laki na ng anak ko. Ang ganda-ganda. Hindi ko alam kung kamuka ko ba siya o si Ish dahil nang lumambing ang ekspresyon nito ay sarili ko lang ang nakita ko. Nang kunot naman ang noo nito ay kitang-kita ko ang ama niya. I can't help but to cry.
Tatayo na sana ako ngunit may umupo sa tabi ko. Nanigas ako sa pwesto ko at hinarap ito.
"Leaving so soon?" Nanunuya ang boses ni Ishmael. Puno ng iritasyon ang kanyang boses.
What was I thinking! Of course, kasama siya ng daddy niya.
