XXXVII: No Other

235K 3.9K 390
                                    

IKATATLUMPUTPITO

"Hindi ko madalas gawin...pero babalikan ko." utas niya. 

Cuarta ang takbo ng dibdib ko. Malakas ang intensidad ng kanyang mga mata. Ngumuso ako sabay tango. Tumagilid ang ulo ni Ish sa akin tapos ay bumaba na upang kuhanin si Justine. Kumaway pa ito sa mga turistang naroon bago makarating sa aking pwesto.

"Tita, you know the surfing capital of CL?" aniya.

"Surfing capital?" kibit-balikat ko.

"Yup! Punta po tayo roon next time! Kahit super layo, pupunta tayo kasi happy three friends tayo." Ngumiti ng malaki si Justine.

Ngumiti rin ako. Bumilis ulit ang tibok ng aking puso sa kagustuhang sabihin sa kanya na hindi lang ako isang hamak na tita. Na hindi lang kami magkaibigan kung hindi nasa harapan na niya ang kanyang matagal na hiling. 

"Come." Mababa ang boses ni Ish. 

Tumingin ako sa kanya. Tumaas ang isang gilid ng kanyang labi. Shit! Umakyat ang dugo sa aking pisngi tapos ay sumunod na rin sa kanyang utos. For pete's sakes!

Naglakad na kami patungong 4x4 at sumakay doon. Nang papasakay na ako ay inalalayan pa ako ni Ish. Napatingin tuloy sa amin si Justine tapos ay ngumisi. Kinindatan lang siya ni Ishmael. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

Mabilis lang naman ang drive patungong city proper kung nasaan nakatira ang magulang ni Ishmael. Huminto ang jeep sa tapat ng isang bahay. Its a two storey house, its big yet it has a touch of simplicity in it like most of the houses here.

"Lola! Lola!" Sumisigaw na si Justine. 

Pinanuod ko siyang maliksing bumaba ng sasakyan at nagtatakbo patungo sa bukas na pinto. Nilipat ko ang tingin sa kanyang daddy who is very much staring at me. Umaalon ng kaunti ang kanyang buhok sa hangin at naniningkit ang mga mata. Matutunaw pati ang pinakamatigas na yelo sa kaitiman ng kanyang mga mata.

"You met Mama, Justice...." Isang pahayag ito at hindi isang tanong.

Tumango ako.

Dumaan ang mga emosyong hindi mababa sa kanyang mga mata. Humugot ako ng hininga.

"That's...good." Pirmisan ang kanyang tingin.

"Yes." sabi ko. Naalala ko ang araw na nakilala ko ang kanyang Mama. Mas malakas ang loob ko ng araw na iyon dahil hindi ang kanyang Papa ang aking kakaharapin. We did not came here dahil nasa Metro ang kanyang Mama. I remembered her enthusiasm. I missed it.

"Shall we?" Bumalik ako sa kasalukuyan.

Tumango ako. Mariin ang kanyang titig sa akin at libo ang nakikita - hindi nababasa - kong mga emosyon.

"Bakit?" Napabasa ako sa pang-ibabang labi.

Umihip ang mainit na hangin. Dahan-dahan itong umiling. Dahan-dahan din nitong kinalas ang tingin sa akin. Suminghap ako tapos ay bumaba na. I met Ishmael halfway tapos ay sabay na kaming pumasok ng ancestral house.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang interior design ng bahay. Stone paths and carvings were visible. Chandeliers from above, and antiques looked real nice. Then, there's the spacious living room with of course, the legendary balcony. All pictures and paintings on the wall made it homey and comfortable. Ito ang ihip ng bahay na hindi ka aatras dahil sa lakas ng sigaw ng pera.

"Where's Lola....." Dinig ko ang boses ni Justine at isa pang boses-lalaki na hindi ako pamilyar.

"Nagpuntang palengke si Mama. At tatawagan ko para dagdagan ang lulutuin! Gusto mo ng favorite mo, basang?"

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon