IKALIMAMPUTPITO
Lumipad ang mga Cajucom patungong America. Ang mansion ay sinara at tanging caretakers na lamang ang tinira.
"I still don't know kung aalis na rin sa pwesto si Tito Niklaus, though, I doubt it." sabi ni Harriet.
Tumanaw ako sa labas ng coffee shop na pinag-ayaan ni Harriet sa'kin. Kakaunti lang ang mga sasakyang nakaparada. Its a very sunny day, busy ang lahat sa trabaho at pasok.
Binalingan ko ulit si Harriet ng tingin. Sumipsip ako ng kaunti sa hawak ko.
"Yeah, nagdududa rin ako..." Bahagya akong ngumiti kay Harriet.
Si Tito Niklaus ay bibitiw? No way. Mahal niya ang pwestong iyon, ang office niya at ang upuan niya sa kapitolyo. Hindi ba ay tinakwil niya ang sariling anak para sa upuan na iyon?
Baka umuwi rin ito sa lalong madaling panahon. I don't know. Basta, hindi iyon magbibitaw kahit mahati ang mundo sa gitna.
Sa isang linggong nakalipas ng pag-alis nila Ishmael ay pinunahan ako ni Harriet ng mga detalye. What time they got there, kung saan ba sila tumutuloy, ang ospital ni Ishmael at mga treatment para rito.
"Si Justine naman ay may kalaro rin do'n. Si Via, her cousin, she's there too and a few other relatives." ani Harriet.
Tumatango lang ako sa kaniyang bawat sinasabi. Minsan ay sinusundan ko na lang ng tingin ang buka ng bibig nito, o kaya ang pagbaba ng kaniyang mga pilikmata kapag kukurap. Slow motion ang lahat sa akin. May sumisigaw sa utak ko at hindi ko maintidihan kahit na nakakabingi ito.
May butas, may lisat sa akin. Hindi ko naman makapa. Hindi ko rin alam kung paanong pupunuin.
"Babalitaan kita kung ano man ang mangyari, Justice. You can count on me with that." Pirmis ang boses at tingin ni Harriet sa akin.
Hinayaan kong mabinat ang aking mga labi at gumuhit ng isang ngiti. "Thank you so much, Harriet...again, salamat ulit."
Gusto kong bumuntong hininga, I want to throw my head back and sigh, titingnan lang ang mga ulap, ang langit. Gusto kong maging sarili ko, I want to...feel. Yes, that's it. Kailangan ko ng pakiramdam man lang.
Does sadness really does that? Does it? Kinukuha ang lahat ng emosyon mo. Sadness drains you out. You just feel sad, and then nothing. Hinawi ko na lang ang buhok at kinawit ang ilang hibla sa aking tenga.
"Ayaw mo ba talagang sumama sa'kin? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan!" Humalukipkip si Lacey sa harapan ko, sa harapan ng kaniyang ineempake.
"Ang tanda mo na para gumanyan, Lace..."
Tutal naman ay tapos na ang project at wala na rin ang mga Cajucom, babalik na si Lacey sa metro, sa apartment namin talaga. Lacey did a good job and I'm proud of her. Siguro ay wala pang isang linggo ay makakatanggap nanaman ito ng panibagong offer.
Ang siste nga lang ay hindi ako sasama sa kaniya pabalik neither will I stay here. Mamamatay yata ako kapag nanatili pa ako rito. No. Its been killing me, at kailangan kong isalba ang kakarampot na natira sa sarili ko.
Lumipad si Lacey pabalik sa Manila at ako naman ay lumipad paalis.
"Dito 'yung dating kwarto ni Arleni. Okay lang ba sa'yo, Ate Justice?"
Pinagmasdan ko ang maliit na kwarto. Walang tv, isa lang ang tv sa sala dahil bihira silang manuod dito. Okay naman ang kwarto. May kama, may bintana na tanaw ang kalye, may cabinet saka may cr na rin.