IKATATLUMPUTWALO
Suminghap ako at ngumiti.
"Luis...hindi ka naman nagsabi...." anitong lumalamlam ang mga mata.
Si Mrs. Allison Cajucom ay mayroong gintong kutis. Ang hanggang balikat na buhok ay may kasamang hibla ng mga puti. Hinubog ng panahon ang kanyang pigura at mukha ngunit walang tinulak sa mga mata. Its a silver shade with a tinge of grey and white that went well with her olive skin.
"Well...surprise, Mama?" Gumuhit ng arko ang labi ni Ishmael.
"I am!" Yumakap si Mrs. Cajucom sa kanyang anak tapos ay humalik kay Justine na panay na ang kwento.
"Ipaalala mo sa Daddy mo na bumisita rito, Tine, dahil makakalimutin na." Umiling si Mrs. Cajucom.
Iilang kamustahan pa ang naganap. Napapatingin sa akin si Mrs. Cajucom ngunit walang binibigay na babasahin sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit umuurong ang sikmura ko kahit na kinakausap naman ako ng iba pang mga kamag-anak ni Ishmael.
"Dito na kayo kumain ng dinner saka dito na rin kayo tumuloy." anang Mama ni Ishmael nang makaupo kaming muli sa sofa.
Nanlalamig ang lalamunan ko kaya naman uminom muna akong ice tea. Sumilip ako sa mukha ni Mrs. Cajucom at nakitang semento ang kanyang ngiti. Binilisan ko ang lagok.
"We'll stay at the hotel, Ma. Kung gusto niyo ay ipapaayos ko 'yung hall para doon tayong mag-dinner lahat...."
"Kaya nga, Lola! Tapos ay swiming tayo tapos pwede ring fishing!"
Binaba ko ang baso. Napatingin ulit sa akin si Mrs. Cajucom tapos ay binaling ang tingin kina Betty at Macoy kasama pa ng iba na narito rin sa sala. Agad silang nagpaalam na umalis pati na rin ang mga bata.
I swear, I could feel my throat burning so cold! Bakit pa nga ba kasi ako nagtatanong sa sarili ko? I'm the intruder! I'm the shithead mother who threw her daughter away! Furthermore, I'm the gold digger who broke her beloved son's heart!
"Ingglesera! Bawal ingglesera rito." Humalakhak si Mrs. Cajucom at tinapik sa ulo ang kanyang apo.
"Hindi naman po, Lola! Onti lang nga po." Sumingkit ang mga mata ni Justine habang nagtuloy pa ang kanilang pag-uusap kasama ng kanyang daddy.
Its a fun sight to see actually. I'm beginning to see Tita Allison like she was before. Ngunit nang mabaling na ang kanyang tingin sa akin ay tumagilid ang kanyang ngiti at naging pagak ang tawa. Humugot akong hininga.
"You okay?" Bumulong sa akin si Ishmael.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's eyes were cleared of what I saw earlier. No rage and no confusion. Maaliwalas ang kanyang mukha sa harapan ng kanyang Mama.
"Ayos lang..." singhap ko sabay ngiti.
Tumango ito tapos ay binaling ang tingin sa kanyang Mama. They talked about the years apart at napag-alamanan kong minsan sa isang taon lamang bumisita si Ishmael dito. And on that topic, may bangis sa mga mata ni Tita Allison or should I call her that?
"So, dito talaga ang bagsak niyo! Pinaayos ko na rin 'yung dating kwarto mo, Luis." Hinawi niya ang walang tinang buhok.
Umiling si Ish. "Doon na lang sa pinaayos kong kwarto. Those were the two consecutive rooms, Ma. Thank you..."
Why, to my ears, it sounded like he rejected his Mama's sweet offer? Kinagat ko ang labi. I wanna reason with him yet in his statement was only sweetness I tasted.