XXXIV: Love you too

254K 4.4K 1.3K
                                    

IKATATLUMPUTAPAT

"Susuka ka pa, baby?" tanong ko kay Justine.

Naglalakad na kami papalabas ng airport. Kanina noong lumalapag na ang eroplano ay maayos naman siya. Nitong papalabas na kami ay saka siya bumigay sa hilo at nagsuka na.

"I don't like planes..." mangiyak-ngiyak nitong saad nang umahon na sa sink. 

Hinagod ko ang kanyang likod tapos ay hinalamusan siya while telling her how brave she is nang sumakay kanina sa plane. Ayoko rin sumakay sa eroplano pero ayoko namang magreklamo kahit na bumabaligtad na ang sikmura ko.

"Buhat..." Tumaas ang kanyang dalawang kamay sa'kin.

Inayos ko muna ang kanyang mukha at damit bago ginawa ang gusto. Dear god, she's heavy but I savored every single second of it.

Nang makalabas na kaming public comfort room ay diniretso kaagad kami ni Ishmael. He took Justine from me. Mabilis naman itong dumukdong sa balikat ng kanyang daddy. They exchanged that murmuring only they could understand. Kinawit ko na lang ang takas na buhok sa tenga.

"She asleep?" tanong ni Ish sa'kin matapos ng ilang segundo.

Sumilip akong kaunti sa kanyang balikat at kinumpirmang tama ang pahayag niya. Tumango ako. I cannot help but to pat Justine's head. Nakasakay pa lamang kasi ay namumutla na siya.

Binalik ko ang tingin kay Ishmael. Nakatingin na ito sa akin gamit ang kanyang itim na mga mata. The casual look suits him. Every bit of muscle is free and flexing every time he moves. Hindi styled ang buhok niya ngayon at may sariling mundo. I liked it. But I still knew to myself that Ishmael wearing formal suits is real beautiful as sin. 

"Let's go?" Ang baritonong boses ni Ishmael ang nagpabalik sa'kin sa realidad.

"O-Okay." Napakagat ako sa labi.

Sinulyapan ko na lamang ang aming cart na puno ng bagahe at pinuntahan iyon. Isang tulak pa lamang ay inilingan na ako ni Ishmael.

"C'mon, buhat mo na si Justine. Let me help." Nagkatitigan kami ng iilang segundo. Unti-unting binabalot ako ng kuryente.

Sa wakas ay tumango ito. He then marched wordlessly. Napahinga akong maluwag. Habang kasabay siya sa paglalakad ay naiilang ako sa hindi malamang kadahilanan. With Justine asleep, only his heady perfume talks to me. Is it because of last night?

"Ishmael...." marahan kong tawag. Pasinghap-singhap ako.

"Yes, Justice?" Bumaba ang tingin niya sa'kin habang tumitingin pa rin sa daanan.

"M-May pasok ka 'diba...sa.....sa kapitolyo?" nanginginig ang bumaliktad kong tanong.

Gusto kong tanggalin ang hiyang nararamdaman patungkol sa nangyari kagabi ngunit heto at sa usapang ito ako dinala ng aking dila.

"Wala. Its a weekend plus the holiday. And if you're really wondering, may importante talaga akong aayusin mamaya dito. So after nating mag-check-in, libot muna kayo sa resort kasi aalis ako." paliwanag niya.

Uminit ang pisngi ko. Sumimple na lamang akong tumango at binaling ang tingin sa iba. Then, napaisip ako. Hindi ba kami roon tutuloy sa kanyang Lolo na sinasabi ni Justine? Probably just visit him for a few hours, I think? At aalis siya? Kami lang dalawa ni Justine muna?

"Don't worry. I'm an associate of the hotel resort where we'll be staying." sagot ni Ish sa'king mga katanungan.

Muli ay umakyat nanaman ang lahat ng dugo ko sa magkabilang pisngi. Tumango-tango na lamang ako at nanahimik.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon