IKADALAWAMPU
Kinalabog ni Ishmael ang pintuan ng pastry room atsaka nagmartsa patungo sa isa sa mga island stools. Bawat hakbang niya ay nagsusumigaw. Nanatili akong nakahalukipkip sa isang tabi.
"What exactly are you doing here? Something very important perhaps? Na hindi ka pwede sa ibang firm bukod dito?" Matigas ngunit nanunuya ang kanyang boses. His stance now, while tapping his fingers. Nakakamatay na lamig. Its the calm before the storm.
"Tinatanong kita kaya sumagot ka." aniya nang hindi ako sumagot. Hinarap niya ako at nag-tiim bagang. "Before I lose it, Justice."
Kumunot ang noo ko. Nawala ang halukipkip ko.
"Before you lose it? Really, Ishmael? That's the only thing you could pull?"
"Bullshít!" Nag-igting ang kanyang panga. Hindi ako natinag.
He rose from the stool and towered before me. Hindi ako umaatras at pinapantayan ang nanununggab niyang tingin.
"Why are you really here, Justice? Why the shít are you working for my cousin?"
"May patakaran ba na bawal ako dito, Ishmael? As far as I know, hindi naman ako ban dito, or in any other company. That makes me free to work wherever I want, kahit dito."
"Don't test me...." Inilingan niya ako kaagad at niyukom ang kamao. Punong-puno ng hindi napapangalang iritasyon ang kanyang mukha, at kita ko ang namumulang galit sa kanyang leeg dahil sa pagkamestizo.
"Kung wala ka nang ibang sasabihin, if you please, I have work to do." taas-noo kong sabi. He's wasting my time. Mamaya ay baka hanapin pa 'ko ng boss ko.
Mabilis naman akong inilingan ni Ishmael saka hinawakan sa braso.
"Bitiwan mo 'ko! Ano ba!" I shrieked, but my efforts are all futile.
"You don't use that tone to me, Justice. You don't. You are really testing my patience! The moment you stepped on my land, you are already testing me!"
"And so what if I'm testing you, Ishmael? So what, kung dito ako nagtatrabaho? So fuckíng what kung pinsan mo ang boss ko?" Pinagdidiinan ko ang bawat salita. Hindi niya ako binitiwan ngunit pumikit siya ng mariin na para bang pigil na pigil sa akin. Hell, I'm not scared.
"That's the point! Pinsan ko si Gabriel. Fúck, he's my cousin for goodness's sake!"
Tinibayan ko ang titig. Dinuro ko siya gamit ng isang daliri sa kanyang dibdib. Pauli-ulit ko siyang dinuduro. Pinsan niya?
"You have no say. You don't get to say anything. Because. You. Know. Nothing. Ishmael."
Wala siyang alam. Ni hindi siya nakielam. Simula pa 'nung una, wala na. So he doesn't get to say anything dahil buhay ko 'to. Ako ang nagpapatakbo sa buhay ko. Hindi ang ibang tao. He denied me in my stay. He called me names. And then left an aching gap. Wala siyang alam kaya wala siyang karapatang manumbat! Sino ba siya para manggalaiti? Who the hell is he, questioning me why the hell am I working for his cousin? He's no one!