XXX: Ang Pinakamahirap

230K 4.3K 253
                                    

IKATATLUMPO

"Daddy...." Punong-puno ng spaghetti sauce ang bibig ni Justine.

Dinampot ko ang napkin, tapos ay marahang pinunasan ang kanyang bibig at pisngi.

"Yes, baby?" Binalingan siya ni Ishmael. His eyes sparkled with the chandelier above us.

Matapos kasi ng 'ingkwentro' kay Gov, nagpadiretso si Ishmael sa isang mamahaling restaurant upang doon - dito na mag-dinner. Isa pa, nagugutom na rin daw si Justine. Habang papasok kanina ay naninigas ako sa ere ng restaurant. Tinatak ko sa isip na babayaran ko siya 'pag nakabalik na 'kong metro at nakuha ang sweldo.

Iyon ay kung tanggap pa ba 'ko, dahil umalis ako nang walang paalam sa kumpanya. That's a big thing. Kahit na sinabi na sa'kin ni Ishmael na nagawan na niya ng paraan, ang paghingi ng abiso kay Gab ang inaalala ko.

"Why don't we go to Papang next weekend? Horses, daddy! Kalesa...." Mas lalo pang lumaki ang mga mata ni Justine.

"How about Dahilayan? You wanna go there instead?" Napasulyap sa'kin si Ishmael at medyo tumagal ang titig. His eyes were intense and sharp. 

Tumindig ang balahibo ko, at iniwas ang tingin.

"We're always there, daddy. And I miss Papang na...isn't he sick? We should visit him..."

Sa gilid ng aking mga mata ay pumangalumbaba si Ishmael, tapos ay tumitig nanaman sa'kin at doon kumuha ng sasabihin.

I don't know about his Papang. But he's Ishmael's grandfather. Hindi ko pa ito nakikita, ngunit naikukwento niya ito sa'kin noon. And his stories were great.

"I don't know, Justine...." 

Muli, pinunasan ko ang bibig nito dahil kumalat nanaman. Kung wala sigurong napkin sa damit ay maya-maya lang ay hahabulin na siya ng mga manok sa dami ng dungis. Such a messy eater, at mukhang walang pakiealam ang daddy niya do'n.

"Pretty please? Sama natin si Tita Justice! You'll join us, tita, right?" Ngumiti ng pagkalaki-laki sa'kin si Justine at nakita ko ang mga carrots sa ngipin niyang bungal.

Ngumiti ako sa kanya, ngunit agad ding naglaho. Nag-angat ako ng tingin kay Ishmael. Coz he's the law.

"If she likes to...." Tumaas ang kilay sa'kin ni Ishmael bilang hamon. Pinasadahan nito ang buhok gamit ang palad habang nakapokus lamang sa'kin ang umaatikabong mga mata. His lips are straight, but his eyes are demonizing. 

"Woo! Yes! Thank you, daddy! I love you!" Akala ko ay tatayo na si Justine sa lamesa namin dahil sa kaguluhan niya. Kinindatan siya ni Ishmael at nagtuloy na kumain.

"Tita Justice, nasakay ka na sa kalesa? With the horse! Ang galing! Tapos, ang ganda kapag good night na, tapos may moon, tapos may stars. Saka may old na mga bahay, saka parang naka-mop 'yung salkada! Tapos...." Pilit 'kong pinakikinggan si Justine, kaso ay lumilipad ang mga mata ko sa kanyang daddy.

Posturang-postura si Ish sa'king tapat. Dinekwatro niya ang paa tapos ay nakalahad ang isang braso sa dulo ng lamesa, highlighting his strained muscled arm. He's freshly shaved tonight. Depinang-depina ang panga at bababa na lamang ang iyong tingin sa kanyang leeg. Umakyat ang kanyang kamay sa doon upang hiklatin ang bowtie at buksan ang isang butones. 

"Tita Justice, are you listening?" 

Natulala ako. Kumurap akong saglit tapos ay nginitian si Justine na kunot-noo na sa'kin.

"Y-Yes, baby. N-Nakikinig ako...." Napapasulyap ako sa tapat ng mesa, kung saan kumurba ang isang gilid ng labi ni Ishmael habang pasimpleng kumakain.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon