IKAAPATNAPO
Nilipad ako ng mga mata ni Diana. Gumuhit ito ng panlilisik habang nagkikiskis ang mga ngipin. Binubulungan niya si Ishmael but then her vicious eyes were on me. Umiling si Ishmael sa kanya. She glared at me again.
Sumimsim ako ng juice tapos ay ngumisi sa kanya.
"Dito na nga kami matutulog, Mama. Stop berating me, please..." Naglalaro ang ngiti sa mga mata ni Ishmael matapos ng mahabang dakdakan mula sa kanyang Mama tungkol sa pag-inom.
The thought of her Luis being shipped to other women leaves a bitter taste in my mouth. Ako iyon dati. Her favorite. Bumuntong hininga ako tapos ay sinabi sa sariling nakaraan na iyon.
Nagtuloy na lamang ang usapan at kamustahan sa dinner kahit na ako lang yata ang nakakapansin sa mga parinig ni Tita Allison.
"Hindi na ako nabi-bitter sa Papa ni Luis pero kung mangyayari ulit sa anak ko..." Tumagilid ang ulo ni Tita Allison sa akin tapos ay nginitian si Diana.
Nagtatama ang mga ngipin ko.
"What a host!" mumunting bulong ni Gendry sa aking tenga.
Kamuntik ko nang nalimutan na siya pala ang kaakibat ko sa buong dinner dahil imbes na kausapin ang mga katabi ay ako ang pinili niyang saluhan. Bumuntong hininga ako tapos ay inilingan siya.
"I, somehow, get her point, Gendry. Takot lang siya. That's all." sabi ko.
Sumimpleng pasada si Gendry sa paligid tapos ay nagkibit-balikat sa akin. Tinuloy ko ang pagkain.
Sa buong hapunan ay malaki ang pasasalamat ko kay Gendry. That in such early age was considered as one of the business moguls. He works like no other, napag-alaman ko. Salo ko ang bawat tira ni Tita Allison at mga ngisi ni Diana habang hinahaplos-haplos niya si Ishmael.
"Oh, shoot!" tili ni Diana nang matapunan ng wine. Namungay ang mga mata niya kay Ishmael kumuha naman ng tissue.
I remembered that scene so well. So well! May ngisi sa kanyang labi habang binato sila ni Gendry ng pang-asar upang asarin ako. The bastard!
Natapos na ang dinner na imbitado ang lahat sa intimate dinner na gaganapin sa resort hotel ni Ishmael. Nagkapaalamanan na. It was settled na si Gendry ang maghahatid kahit na may tama na rin ito. I breathed a sigh of relief.
"So, Justice...." Kumikintab ang mga mata ni Gendry. Bagay na bagay sa kanyang gintong kutis.
"Yes?" ngiti ko.
Pinagmasdan ako ni Gendry habang nakalitaw ang puti at pantay na mga ngipin. Hubog pa lamang ng katawan ay kasali na itong agad sa linya ng mga modelo. If compared to Ishmael, it'll be a tie yet if I'm the judge then the former will surely win. That's how an angel dies. Pumikit akong mariin.
"Is Justine yours? For real." Kinagat niya ang labi. "Kanina pa ako hindi makakain."
Kumurap ako ng ilang beses. Matapos ng ilang segundo ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Pinisa ko ng tingin ang buong paligid. Ang iba ay paalis habang ang iba ay nakikipag-usap pa o papabalik na sa kanilang mga kwarto. Kuminang ang mga mata ko nang makita si Justine na tinitingnan-tingnan lamang ang paligid.
Iba-iba ang kulay ng kanyang tinirintas dahil sa mga headdresses. Ang kanyang bangs ay nagpalaki lalo sa mga matang pinapakita ang kabuuan ng mundo. Malalantik ang kanyang pilik-mata na tila ba walang luhang tatakas. Ang kanyang labi ay pirmihang nakakurba sa gilid na tila ba'y laging nakangiti. Akin ang tinulak at kay Ishmael lamang ang dinakip.