XXXII: I'll Stay

223K 4.4K 1K
                                    

IKATATLUMPUTDALAWA



Napanguso ako. 

"Go. Naghihintay na si Rolly sa'yo sa labas, Justice." Lumipad ang kamay ni Ishmael sa kanyang sentido at hinilot 'yon.

"I'm not some caged pet, Ishmael. One that you could order wherever and whenever." sabi ko.

Walang hamon akong batid sa sinabi. I'm just simply stating the facts. He cannot just order me around. Ayaw ko ng away, sana, siya rin ay ganoon ang hangad.

"Who said you are a caged pet?" Nagsalubong ang kanyang kilay sa'kin.

"Sinasabi ko lang na igagalang ko naman ang gusto mo dahil mansion mo 'yan. What I'm saying is, you cannot just order me around and push away if you'd like to." Tumango ako sa kanya. "We're civil. That's just what I want."

Nananalaytay sa kwarto ang ugong ng kanyang AC. Pinakatitigan niya ako gamit ang blankong ekspresyon. Namumuo ang kuryente sa'king likod, dahil sa lamig at sa kanyang titig. Then, some of that whiff perfume I caught in his polo, goddammit.

"Fine. Do whatever you want and be with whomever you want, Justice. Afterall, you'll vanish a week from now." Perpekto ang arko ng kanyang kilay.

I took in his words - a fact. He's right, I'll vanish a week from now. Hanggang doon nga lamang talaga ang dahilan ko rito. And of course, he couldn't wait for that exact moment dahil wala nang sagabal sa kanya. He can perfectly fuck his secretary in his desk right here.

"I know, Ishmael. I know." Tumango ako tapos ay hindi na dinagdagan ang sasabihin. Nagpaalam na lang ako na aalis, at umalis na sa kanyang opisina.

Strings of greetings passed me nang makarating na sa sasakyan. Isang salamat lamang ang ibinigay ko sa driver bago lumabas ng kotse at pumasok na ng mansion. Habang naglalakad ay unti-unti akong kinakain ng masamang hangin. I felt dizzy because of it. Its eating me alive. They're probably doing it now, doing it until they're sated enough. And again, and again, and again. Hindi ko alam ay may nakaahong luha na pala mula sa'king mga mata. Marahas ko 'yong pinahid kasabay ng mga mura sa'king isipan.

"Tita!" Pababa si Justine sa engrandeng staircase. She's changed now, wearing her hello kitty ensemble.

Nagsalubong ang kanyang kilay gaya ng kanyang daddy kanina.

"Nag-cry ka, tita? Why? Uupakan ko nagpa-cry sa'yo nga!" aniya.

Umiling ako kay Justine, at humalik sa kanyang noo. "Napuwing lang si tita, baby. How's your school?"

Sinipat pa muna ako ng kanyang hindi naniniwalang mga mata, bago nagpakawala ng sunod-sunod at matitinis niyang mga litanya. Hangga't kumakain kami ay panay ang kanyang pagkukwento sa'kin kung gaano daw siya nag-enjoy ngayon sa school dahil wala nang nambubully sa kanya.

"Ikaw ang mommy ko, sabi ko po." Kumislap ang kanyang mga mata sa'kin.

Napaubo kaagad ako sa iniinom na tubig. Tumalon si Justine mula sa kinauupuan at nagpunta sa'kin upang himasin ang aking likod. 

"Are you dying, tita? Ateng! Call ambulance!" sigaw niya kaagad.

Inilingan ko siyang umuubo pa rin. Nang makahuma na ako ay sumimsim muli akong tubig.

"You told them that, baby?" dahan-dahan kong sabi. 

Tumango naman siya kaagad, tapos ay nanginig na ang mga kamay. Kumurba paibaba ang kanyang labi tapos ay namumula na ang ilong.

"W-Why, tita? You don't w-want me? Am I too bad?" Namamalat ang kanyang tono habang umaahon na ang mga luha. 

Oh, god. Mabilis akong umiling tapos ay ngumiti sa kanya. Humalik ako sa kanyang noo, tapos ay hinaplos ang pisngi upang 'wag nang umiyak.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon