LVI: For The Last

168K 3.4K 379
                                    

IKALIMAMPUTANIM

Malamig sa loob ng ICU. Tahimik ang apat na haligi ng kwarto pwera na lang sa monitor na tila ba nagbibilang kung hanggang ilang segundo na lang ang itatagal ni Ishmael.

Nilibot ko ang tingin sa puting mga dingding ng ICU, sa mga machine, sa mga minimal na furniture. Hindi pa ako nakakalayo sa likod ng pintong kasasarado. Nagtatawag ang tunog ng monitoring. Hinigit ko ang hininga.

Dumapo ang mga mata ko kay Ishmael na nasa gitna ng kwarto. He's on the hospital bed, eyes closed. Sari-sari ang mga nakakabit sa kanya.

Pumikit akong mariin, kasabay ng pagbagsak ng isang marahas ng butil ng luha.

Hinigit kong muli ang hininga at binuksan ang mga mata sa kaputian ng kwarto. Madali kong pinunasan ang tumakas na luha. Nagtungo na 'ko sa pwesto ni Ishmael sa gitna.

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang mukha nito. May oxygen mask na nakakabit sa bibig nito. Nasisilip ko ang iba't ibang kulay ng wire na nakakabit sa kaniyang dibdib para sa vitals. Maraming nakakabit kung iisa-isahin. But, he's still my Ishmael. A few stitches here and there, bruises and scrapes but he's still Ishmael. He's here on one piece, sana ay sapat na 'yon.

Matagal ang pagtitig ko kay Ishmael, sa mga mata niyang sarado at sa pilikmata nito, na sa habang pagtitig ko ay naiipon ang luha sa gilid ng mga mata ko. 

I turned around. Napahawak ako sa bibig. Hawak ko ito habang tahimik na naghihila ng upuan. Muli akong humugot ng natitirang lakas sa sistema ko para hindi bumigay kapag haharapin kong muli si Ishmael.

Humarap na ako at umupo sa silyang kinuha. I breathed in and breathed out. 

"Wala pang sinasabi ang doctors kung maintained ba ang consciousness mo, Ishmael..." paninimula ko.

Natutuwa ako sa sarili ko dahil kinakausap ko si Ishmael nang ganito. Tumaas ang dalawang gilid ng labi ko yet all I tasted was bitterness. Nagsimulang manginig ang mga labi ko, masakit na ang mga mata ko sa kaiiyak. Hinawakan ko ang kamay ni Ishmael na marami ring nakatusok. Marahas kong pinagdiin ang mga labi sa pagpipigil ng luha.

"Kaya kung naririnig mo 'ko, salamat..." Napahawak ako sa bibig. 

Pinakatitigan ko itong muli ng matagal na kung sakali ay magigising sa ginagawa kong patitig. Sa kaniyang saradong mga mata ay napupunit ako. 

Pinisil ko ng marahan ang palad nito. Nanginig na aking buong katawan dahil hindi ko aakalain na kakausapin ko si Ishmael sa ganitong paraan. "Magpakatatag ka, Ishmael. You need to fight. Hindi para sa kanino at hindi para sa'kin. At least for Justine and for yourself. Lumaban ka lang...iyon na lang ang hihilingin ko sa'yo..."

Because this is his battle to fight. This, I cannot help, no one can but him. Kailangan niyang lumaban para sa sarili niya dahil sarili lang niya ang katulong niya ngayon. That's all I wanted him to hear right now, kung naririnig man niya 'ko.

Hindi ako magsusumbong, magpasa ng hinanakit. Wala akong isisiwalat tungkol sa nararamdaman ko ngayon, kung gaano na ba 'ko nababaliw sa kaiisip kung paano 'ko mareresolba 'to. I will never say anything.

"Hihintayin ka namin. We'll wait. Oh...we have two little angels now..." Pumikit akong mariin at ngumiti. Walang hinto ang mga luha ko.

This is his battle alone, and I will face mine. Kailangan kong harapin ang lahat ng nakahanda sa akin paglabas ko sa silid na ito. Kailangan ding harapin ni Ishmael ang kaniya. It will all be painful and I'm willing to take all the blows.

Itong bata sa aking sinapupunan ang gagawin kong inspirasyon. Huhugot ako ng lakas mula rito. Mayroon akong dahilan para ituloy ito. Kapit lang, baby. Lalaban lang si Mommy.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon