Hindi hinayaan ni Ishmael na lumalim ang gabi na nasa charity event pa rin kami. Pagkatapos ihatid nina Harriet at Gab sa exit ay diretso na kaming kotse. Humihikab na si Justine.
"Baby, what do you want for dinner?" tanong ni Ishmael.
Kinalas ni Justine ang mga pins sa kaniyang buhok tapos ay sumiksik sa bewang ko. "Daddy, take out ni Wendy."
Hindi na 'ko magdi-dinner sa tanong ni Ishmael. Though, I really don't want Justine to eat fast food. I doubt that she's still be up 'pag nakabalik na kami sa bahay.
"What was that earlier, Justice?" bulong ni Ishmael.
"Anong sinasabi mo?" sabi ko.
Nilingon ko si Justine sa tabi. Her eyes are closed and she's sighing heavily. Binalingan ko si Ishmael, then he's already looking.
"I saw you and Papa. Anong sinabi?" Kumunot ang noo ni Ishmael.
"'Wag mo nang intindihin ang Papa mo, Ishmael. I can handle him."
"Handle him? God, Justice. He got you cornered just awhile ago. Anong sinabi niya?" pabulong na asik ni Ishmael.
Pinantayan ko ang mga mata ni Ishmael. His eyes are angry and the other one's twitching. Nakayukom ang kaniyang kamao. I don't want him to hate on his father. Dahil lamang sa akin ay mas lalaki ang kanilang gap na sigurado akong matagal nang naroon.
"I can handle your father, Ishmael." sabi ko nang matapos kong i-translate sa mas magandang pananalita 'yung sinabi ni Tito Niklaus.
Sa mundong ito ay hindi talaga nawawala ang mga katulad ni Tito Niklaus. People like him will always be around and all you can do is not to endure but to go on. Not to pretend, but to learn. From those people, we grow. Surprisingly.
"Yeah, but I don't want you handling him. I want me handling him." Nag-iwas ng tingin si Ishmael.
Pumarada na ang kotse sa harapan ng mansion. Si Ishmael ang may buhat kay Justine. She's still asleep and every second or two, her eyes flutters. Kusang umakyat ang kamay ko sa kanyang pisngi para hawiin ang buhok.
I will always love her no matter what. I would love to be with her while she grows, at kapag magkakaroon siya ng sama ng loob ay sana kaya kong alisin 'yon. I want the best for Justine. I'd do anything, I'd give my life. At alam iyon ng governor.
"Justine's still asleep. Pinapalitan ko na lang kay Bea." Pumasok si Ishmael sa kwarto.
Tumango ako sa kanya sa salamin. Tinanggal ko ang accessories. "What? You're still mad?" sabi ko sa kunot-noo niya.
"I'm not mad, Justice. Do I look mad?" Pumasok itong walk-in closet.
"Yes! Nakakainis ka, Ishmael. Please, paki-flat 'yang humps sa noo mo. Its irritating. Oh, God!" sigaw ko pabalik.
"Why me, Just? Kay Papa ka magalit. Okay, I'm mad! I'm watching my father as he insults you. I'm stuck answering those goddamn questions---"
Lumabas si Ishmael. Hinarap ko na ito. Hindi na lamang kunot ang kaniyang noo ngunit nagdidikit na ang mga kilay. There's a letter v on his forehead, tapos ay iritado ang mukha. Then, he's half naked.
Naiirita ako sa mukha niya. I hated that freaking frown marring his forehead. He looks ugly, strikingly ugly and hot with that face. Hindi ko alam, pero naiirita naman ako.
"Okay, Justice. You can handle him alright. Alright! You win...are we gonna argue about Papa?" Pumungay ang mga mata nito habang naglalakad tungo sa akin.