IKASIYAM
Ilang araw na ang nakalipas ngunit tandang-tanda ko pa din kung paano ko tinahak ang daan papalabas ng mansyong iyon kung saan nakatira ang kagalang-galang na mayor ng lungsod at ang anak nito. Anak ko. The harsh words, the death glares, and the shell of the man I used to know. Its all fresh. Dati ay halos sambahin niya 'ko. Na halos halikan niya ang daang nilalakaran ko. I was the only one he cannot live without. The only one to fulfill everything he needed and he praised me, worshipped me for that.
Its because he moved on.
As usual ay busy si Lacey sa kan'yang trabaho kaya naman naisipan kong mag-grocery dahil nauubusan na kami ng stock. Ayoko siyang abalahin pa dahil kung may iisa akong hiling ngayon, iyon ay matapos ang kanyang trabahong naging gatilyo ng lahat.
Tinulak ko ang aking cart dito sa mall habang nagi-scan sa kalapit na mga produkto. Nagtitingin ako sa mga pasta nang may nadinig akong matinis at ubod ng tamis na boses. Nag-angat kaagad ako ng tingin dahil alam ko kung kanina iyon.
Justine has a smile plastered on her face. Lulukso-lukso siya sa mga tiles ng mall, her Yaya and bodyguards beside her. Nakar-ed siya ngayon na overall na pang-size niya. Nakabun ang buhok nito at mukang kagigising lang. There's this adrenaline again, hovering everytime I see her. Nawala na ang lahat sa'kin nang magtama ang aming mga mata.
Then, she flashed me a smile. A smile! Ngumiti ang anak ko sa'kin!
Kagat-kagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siyang kinakausap ang kan'yang Yaya. Hinanap ng mga mata ko si Ishmael pero hindi tumakas sa paningin ko ang Hello Kitty'ng band aid sa kanyang noo.
Nanginig ang mga labi ko at minadali na lang na umalis kahit na gustong-gusto kong ikulong si Justine sa mga yakap ko.
Umuwi na lang akong bahay para tapusin ang gawain ko. Malapit na akong makatapos ng isang nobela ngunit parang nangangati ang mga kamay ko na magsulat ng isang nobelang mas nakakaintindi ang tulad ko. For once, I want to write about these struggles to let them go. Am I unfit for a mother? Ganoon ba 'yon? Ako ba talaga ang dahilan? Should I stay away from her? Don't I deserve her? Almost four years. Almost four years, baby.
Lumipas pa ang mga ilang araw at parang nananadya talaga ang tadhana. Nasa isang boutique ako ng mall at bumibili ng damit.
"One thousand six hundred twenty-three ho iyan ma'am" sabi sakin ng isang saleslady nang tanungin ko kung magkano ang dress na hawak ko.
"Little Mayor! Ang cute-cute mo naman! Anything we can do for you, miss?"
Sinundan ko ng tingin ang saleslady at nakitang labas ang lahat ipin nito kay Justine na naka-longsleeve naman ngayon. May polo siyang suot na nakapatong at may cap sa ulo. Maganda si Justine. Pero hindi ko alam kung anong pinagsususuot sa kanya ng daddy niya.
Madali akong umalis ng shop. Mas madali kung hindi niya ako kilala at mas magiging patag ang buhay ni Justine. Ayokong magulo ang buhay niya gayong maliit pa lamang siya. Dapat ay mag-enjoy siya, dapat ay masaya at hindi intindihin ang sampid sa buhay niyang kagaya ko kahit na gustong-gusto ko na siyang hagkan. I don't want to complicate things for my daughter. Mahal ko siya, e. Mula nang mawalay siya, hindi pa bumibitaw sa isip at puso ko na papawalan ko siya dahil nasa magkabilang panig kami ng mundo. Hindi. Nakatatak palagi sa utak ko na magkikita at magkikita kami. Na darating ang araw, tatawagin niya 'kong Mama, Nanay, Mommy. I tasted the tears before I felt it.