IKADALAWAMPUTDALAWA
"By the way, kasama pala natin 'yung pinsan ko. He'll be a business partner." Walang-malay ang litanya ni Gab habang sinasakay ang aming mga bagahe. Tumigil sa ere ang kamay kong hinahawi ang buhok.
"O-Oh?" painosente kong tanong. Hinarap ako ni Gab atsaka binaba ang kanyang pantabing sa mukha.
"Yup. Sabi ko nga, busy siya sa capitol pero makulit. Well, its his money not mine." Nagkibit-balikat si Gab atsaka binuksan ang pinto. Sinlamig ko ang yelo habang pumapasok sa kanyang kotse. Gusto kong umapila kaya ko naman nang buksan ang pintuan, ngunit naghahalo sa utak ko kung alin ang uunahin: iyon, o ang bumaba ng sasakyan.
"Any problem, Justice?" tanong niya nang mayroong bahid ng pag-aaalala sa mukha. Umiling kaagad ako at ngumiti.
"May binili akong food d'yan, incase you got hungry. Okay?" dagdag pa niya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.
Sabi ni Gabi ay nauna na raw 'sila' doon sa iinspektuhing lugar. Medyo nagpanting ang tenga ko sa nadinig. I still haven't got over yesterday. Tapos ay heto nanaman? Babahain nanaman ako? Kung sana ay alam kong sasama ang pinsan niya ay sinabi ko lang na sobrang sakit ng ulo ko na hindi ko kayang sumama. Gusto ko na ngang buksan itong pinto at magptigagal, ngunit anong magiging hitsura? I'd look like some affected stupid girl. Of course, hindi iyon alam ni Gab. But once news travelled to Ishmael, iyon agad ang iisipin niya. That he still affects me. That, that night we shared, is always a big thing for me. That's the least thing I wanted to happen. Sabi ko nga sa sarili ko, we're done. We're over! There's no need for this kind of feelings. If someone should be blamed, it should be me. The one who detests us, that's the place where our hearts wanted the most.
"Justice? Jus?" Inagaw ni Gab ang bula ko.
Pinilig koa ng ulo at hinanda ang ngiti sa kanya.
"Yep?"
"I said, may gamot d'yan sa compartment incase magka-migraine ka ulit. May mineral na rin."
Kumurap ako at tumango.
Mga tatlong oras lang naman ang byahe, if not, less. Medyo mabilis magpatakbo si Gab, pero malaki naman ang tiwala sa kanya. Pumasok muna kami sa isang paliko. I could already see the sand beneath the tires, and the waves lapping at each other on the other side. Beach hotel?
"What'cha think, Justice?" Nakatingin si Gab sa daan tapos minsan ay nililingon ang nakakatuwang mga alon.
"Maganda." tipid kong sabi.
"I bet you can't remember the last time you when to the beach?" tanong niya pa. Nilingon niya ako nang may ngiti sa labi at doon ko nakita ang kanyang dimples.
Umiling ako nang may ngiti sa labi.
Well, may advantage rin pala ang pagsama. Though, I'll still resist this majestic place so I won't be with that chiseled nose, and jaw, and body.
"Here we are!" ani Gab nang makababa na kami. May private property silang villa sa tabi tapos ay malawak na. Kaya pala ang lakas ng loob magyaya ng dalawang araw ay bukod sa pagiinspekyon ay mas marami pa ang aliwang gugugulin.
"Good noon po, Sir Gab!" Lumapit ang isang dalagang mukhang anak ng caretaker ng villa. Loose curled tendrils shaped her tan and cute chubby face. Mga nasa sixteen siguro siya.
"Oh! Hi, Agnes! Ang laki mo na, ha! This is Justice, by the way. She's my secretary."
Nilahad ko ang kamay sa dalaga. Kita ko ang kanyang ngiti nang purihin siya ng kanyang sir. Tumaas ang kilay ko saglit.