IKAPITO
Ilang araw na ang nakalipas simula nang dumating kaming Bukidnon. Madalas na si Lacey sa site at kapag uuwi naman ay dito itutuloy ang kanyang gawain. She's all drawings, then she's all crumplings. If you get me. Subsob na subsob raw siya sa trabaho. Sabi niya ay kailangan daw niya ng best dahil hindi daw tatanggapin ng may-ari ang gawa niya kung hindi best. Nakikita ko ang paglago ng eyebags ng kaibigan ko pero hindi ako pwedeng umapila, That's her work.
Iilang spot na din ang napuntahan ko dito para gawing inspirasyon. Dahil bukod sa pagsama ko kay Lacey, iyon naman ang pakay ko. The right amount of inspiration and experiences.
Ngunit hindi na muli nagkrus ang landas namin. Kahit simpleng anino man lang ay hindi nagtagpo. I am fine with that. Pero mas maganda kung nayayakap ko ang anak ko.
Kaya naman nitong hapon ay nagpunta ako ulit sa parkeng pinaglalaruan ni Tine. I am hoping.
Nakaupo ako sa isang swing, mas malapit kaysa sa pwesto ko noon. Bahala na kung makikita ni Ish, tinatawag ako ng lukso ng dugo.
Labis akong natuwa nang makitang lumalabas si Tine galing sa butas ng pabilog na slide. Nakangiti ito at nakalabas ang tatlong ipin na sira at tatlong ipin naman na gawa. Umaalog ang pigtails niya habang tumatakbo at bumaba na ang isang strap ng jumper nito dahil sa kalikutan. Lumundag ang puso ko sa sobrang tuwang nararamdaman. Nanatili ang tingin ko kay Tine.
"Oh, ikaw naman Leigh! Ikaw naman magslide," kumislap ang mga mata ni Tine habang nakatingin sa unahan ng slide. Isang batang kaedaran niya ay naroon din. She looked like some runaway flowergirl dahil sa suot niya.
Nakita kong kung nasa tabi ang bodyguard ni Tine, yaya naman ni Leigh ang nasa tabi yata. Halatang galing din ito sa mayamang pamilya.
Umiling ito at ngumuso. "Ayoko, Tin-tin. Malalaglag ako. Masusubsob ako," Unlike my daughter's, nanghihina ang kanyang boses. I felt this eagerness to see how Tin will handle her.
"Hindi ka masubsubsob, Leigh. Diba nga sabi ni Tinkerbell, faith, trust and....?" Inintay nitong dugtungan Leigh ang sinabi.
"Pixie dust."
"Good! Hindi ka man mahuhulog kasi mababa lang naman yan e. Tingnan mo ko. Ayos naman ako e."
Umiling si Leigh, "ampon daw ako. Sabi ni Angelina palagi daw akong madadapa kasi hindi ako tunay na anak."
Ngumuso ang anak ko na para bang hindi niya alam kung anong uunahin: ang magalit sa kalaro nilang si Angelina o kung mas papalakasin ang ba ang loob ni Leigh. Sa dulo ay huminga ng malalim ang anak ko.
Kinabahan ako ng kaunti nang umaakyat na siya sa may kataasang playgroundset. Nakahinga ako ng maluwag mang maayos naman siyang nakarating kay Leigh. May kung ano siyang binubulong dito. Bumaling ako sa mga nagaalaga sa kanila.
Nakahilig ang Yaya ni Leigh sa bodyguard ni Tine. Oh.