XLVIII: Ang Buhay Ko

207K 4.5K 573
                                    

IKAAPATNAPUTWALO

Marahas ang pagpahid ko sa luhang kanina pa nakakapit sa aking pisngi. Ang lamig ng simoy sa labas ay hindi ko ipagpapalit sa aircon sa loob ng hotel. Sinalubong ako ng kakarampot na taong papaalis na rin at dinatnan kaagad ng mga mata ko si Justine.

Justine is with her Tito Gabriel. Diniretso ko ang kanilang table at si Ishmael ay sumusunod lamang sa lumalagablab kong mga yapak.

"Just, we are just leaving..." Nakadipa ang mapuputing braso ng isang tita ni Ishmael.

Humaba ang aking leeg upang sumilip. Malugod akong ngumiti rito at tumango.

"Mag-iingat po kayo. Salamat po sa pagdalo." sabi ko.

"Yes." Nagkakanulo ang kanyang  ngisi at tumitingkad ang morenang ningning. "Ihahatid ka ba ni Ishmael sa iyong condo? Or...you're staying with him?" Ang paniningkit ng mga mata nito ang tumapos sa pilyang pangungusap.

"Tita Mercedes." matatag ang boses ni Ishmael na pumunta sa aking gilid.

"Alright! I'll let her off the hook. Goodbye." Humalakhak ito nang pakumpas-kumpas ang kanyang kamay. 

Kinabig ni Tita Mercedes ang braso ng matipunong asawa at humalakhak sa tenga nito. Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa glass doors at saka muling tumungo sa table na sina Harriet at Gab na lamang ang umookupa. 

"Ang tagal niyo! What did you do?" Tumaas ang isang gilid ng labi ni Harriet.

"You're being nosy again, Harry." singit ni Ishmael atsaka iniabot ang mga kamay para kuhanin ang tulog na si Justine.

What did we do? Ano nga ba ang ginawa namin? Nakipagsagutan sa kaniyang tatay na haragan? Pinagtanggol ang sarili? O ipinagkanulo lamang ng damdamin kaya't hindi na ito napigilan? Nakikipag-usap si Ishmael kay Gabriel. Lipat-lipat ang tingin ko sa kanila hangga't nauwi sa singhap. Kampante naman na ako na maayos na sila.

"Aalis na kayo?" Tumayo si Harriet at kinuha ang slingbag. 

Sabay kaming tumango ni Ishmael. Hindi masaya roon ang kanyang magandang pinsan dahil ang nais nito ay after party na miski ako ay umiling.

"Sumabay na kayo sa'min. 'Coz there will be no after party. Isusumbong kita sa daddy mo." Panandalian ang pagtaas ng kilay ni Ishmael.

"Sumbong? What am I, fifteen? No fun!"

I was reminded of that party, how I became so goddamn jealous. Kulang na kulang ang nakikita ng mata dahil kailangan ng paliwanag ng bibig. Kumakabig ang dibdib ngunit wala kang magagawa.

"Hindi na muna kami sasabay. May asikasuhin lang akong kaunti sa bahay. Are you cool with that?" baling ni Gabriel kay Harriet.

Ang pagkibit-balikat nito ang naging hudyat ng aming pag-alis. May iilan pang tao talaga sa venue at wala pa naman kaming balak umalis kung hindi lamang sa nangyari. Binilin na lamang ni Ishmael sa staff tapos ay sumakay na kami sa kanyang sasakyan. 

Kandong ko si Justine at umabot ng tissue para sa pawisan na noo at likod kahit na malakas ang buga ng AC. Umikot na si Ishmael sa driver's seat at binalingan ako ng tingin.

"What?" marahan kong sambit.

Hindi nito sinagot ang aking tanong. Tahimik niyang pinasibad ang sasakyan at nanaig ang kapayapaan sa bawat brilyanteng tumatanglaw sa akin. Hinilig ko ang ulo sa head rest.

I feel so exhausted. Tingin ko ay nawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko ay ang pataas ng pataas ang lebel na kailangan kong lagpasan para makuha ko ang gusto ko. And I have been this far.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon